Horoscope, February 10, 2018 | Bandera

Horoscope, February 10, 2018

Madam Sophia |February 10,2018
facebook
share this

Horoscope, February 10, 2018

Madam Sophia - February 10, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Magtutuloy-tuloy na ang suwerte at pagdating ng iba mo pang magagandang kapalaran. Mas mainam na tumulong ka sa mga kapos-palad at wala ng maaasahan sa buhay, upang ang iyong suwerte ay hindi lang magtuloy-tuloy, kundi ang mga suwerte ito ay mapapasa iyo na habang ikaw ay nabubuhay. Mapalad ang 7, 16, 19, 28, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Budhananda.” Yellow at red ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Sa panahong ikaw ay sagana, wag kalimutang tumanaw ng utang na loob sa mga taong nakakatulong sa iyo, upang lalo ka pang suwertehin. Sa pag-ibig ngayon pa lang iplano na ang gagawin ninyong pagde-date ng kasuyo sa Valentine’s day. Mapalad ang 3, 9, 27, 32, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Vai-Kuntha-Om.” Beige at maroon ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Magandang pagkakataon ang araw na ito upang disiplinahin ang sarili. Hindi dapat bumili ng bumili ng kung ano-anong bagay na hindi naman kailangan. Pigilin mo rin ang iyong sarili na kumain ng mga pagkaing may masamang epekto sa iyong kalusugan. Muli mong ilunsad ang “operation pagpapa-sexy” upang matuwa ang iyong minamahal. Mapalad ang 3, 18, 29, 34, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Vasudeva-Vedanta-Om.” Pink at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Sa pag-ibig, tuparin ang pangako sa minamahal sa darating na summer vacation magbakasyong grande kayo sa Boracay. Sa pinansiyal, iwasang sumira sa isang transaksyong matagal ng shut-sa-balde. Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vajur-Veda-Om”. White at lilac ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Kailangan ang dagdag na pahinga upang magbalik ang sigla. Umuwi muna sa probinsiya, mag-relaks-relaks at manguha ng mga mangga. Sa pag-ibig, laging isama ang kasuyo, saan man mag-punta. Mapalad ang 5, 16, 25, 34, 40, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Om.” Green at orange ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Ingatan ang natitirang salapi! Wag gastos ng gastos ng walang kabuluhan. Itagong mahigpit ang pera upang hindi matiktikan ng mga mangungutang. Sa pag-ibig tuloy ang masaya at nakakikilig na relasyon. Mapalad ang 1, 10, 28, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Shiva-Krisna-Om.” Yellow at lilac ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Kahit mahilig komontra ang kapareha, hindi mo siya dapat itsapuwera. Mag-combine force kayo upang masimulan ang negosyong may kaugnayan sa modernong kumunikasyon. Mapalad ang 5, 18, 23, 34, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Sukadeva-Mantra-Om.” Violet at purple ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Maglaan ng budget para sa pagbabakasyon. Masarap gumimick at mag-swimming sa panahong ito ng tag-araw. Sa pag-ibig wag kalimutang bitbitin ang kasuyo sa pag-a-outing. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shanti-Om.” Blue at pink ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Habang sagana, umpisahan ng mag-ipon. Hindi paramihan ng pera o suweldo ang labanan, kundi paramihan ng savings. Sa pag-ibig kung sino ang maraming pera, siya ang matagumpay at maligaya. Mapalad ang 6, 17, 23, 25, 34, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam”. Red at beige ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa araw na ito wag pairalin ang katarayan. Hindi ka kikita ng malaking halaga kung lagi kang nagsusungit. Sa pag-ibig, wag awayin ang kasuyo at pagkatapos ikaw na naman ang hihingi ng sorry. Mapalad ang 7, 18, 29, 39, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Rama-Om!” Blue at pink ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Walang mangyayari sa buhay kung maghihintay ng suwerte. Magpakasipag ka at tipirin ang iyong kinikita. Yan ang sure na paraan upang umunlad. Sa pag-ibig hindi ka iiwan ng kasuyo hanggat alam niyang mapera ka. Mapalad ang 1, 7, 18, 25, 28, 43. Mahiwaga mong mantra: “Name-Narada-Name-Nirayana”. Green at yellow ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Iwasang gumawa ng mali na maaaring pagsisihan habang buhay! Sa pag-ibig, manatiling tapat at malambing sa kasuyo kahit ngayon lang malapit na ang Araw ng mga Puso. Sa pinansyal, tuloy ang pasok ng maraming pera sa kabang yaman. Mapalad ang 2, 7, 19, 29, 37, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Haram-Aum-Harim.” Maroon at green ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — Haluan ng panalangin ang relasyon. Mamayang gabi, sa harap ng altar magsindi ng kadilang pula, yayain ang kasuyo na ipagdasal ang inyong tagumpay at masarap na suyuan. Sa pinansyal, nakapagpapayaman din ang pagiging madasalin. Mapalad ang 1, 19, 22, 36, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gosvami-Om.” Bukod sa red buenas ang lilac.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending