Mikael Daez, Megan Youhg nasubukan nang 'mag-live in' | Bandera

Mikael Daez, Megan Youhg nasubukan nang ‘mag-live in’

Ervin Santiago |February 05,2018
facebook
share this

Mikael Daez, Megan Youhg nasubukan nang ‘mag-live in’

Ervin Santiago - February 05, 2018 - 12:05 AM

KINARIR ni Megan Young ang pagsalo sa bulaklak na ibinato Maxene Magalona noong kasal nito kay Robby Mananquil sa Boracay.

Sa presscon ng bagong afternoon series ni Megan sa GMA, ang The Stepdaughters kasama ang kanyang boyfriend na si Mikael Daez at si Katrina Halili, ibinandera ni Miss World ang ginawa niyang strategy para siya ang makakuha ng bridal bouquet.

“Actually may back story yan, e. Nu’ng in-announce na yung part na tapunan ng bulaklak sabi ni Mikael, ‘Punta ka na ru’n.’

Sabi ko, ‘Hindi, nakakahiya.’

“’Tapos sabi niya, ‘Saluhin mo ang bulaklak. Siguraduhin mo ha? Siguraduhin mo na kukunin mo yung bulaklak.’ Sabi ko, ‘Ha? Okay sige!” kuwento ni Megan.

Alam daw ng Kapuso actress ang kasabihan ng matatanda na kapag ikaw ang nakasalo ng bulaklak sa kasal ay ikaw na ang susunod na ikakasal, pero hindi namam daw siya naniniwala rito.

“Gusto ko lang talaga siyang saluhin! Sabi niya e. I think, I really have competitive spirit in me. Hindi ko na iniisip nu’ng time na yun ang tungkol sa kasabihan. Na-challenge lang talaga ako kay Mikael,” kuwento pa ni Megan na sumasabog ang kagandahan at kaseksihan nu’ng gabing ‘yun.

Komento nga ng mga reporter, mas lalo siyang nag-bloom nang umamin na sila ni Mikael sa kanilang relasyon at magaling daw talagang mag-alaga ang aktor.

Samantala, dinenay naman ni Mikael na nagli-live in na sila ni Megan, pero inamin niyang may “sleepovers” nang nagaganap sa kanila. Seven years na rin naman daw silang magkarelasyon.

Paliwanag ng Kapuso actor, “I have my own place, Megan has her own. Siyempre, may sleepovers naman dahil we work together. And it’s easier and then we travel a lot. Pero siyempre she has her own space.

Whenever she wants her space nandu’n yun. Pero kasi we like being together, e,” paliwanag pa ng binata sa isang panayam.

Madalas din silang mag-travel together, “We’ve been abroad three weeks at a time. Siyempre, alangan namang separate rooms kami, di ba?

“I guess you could say we’ve lived together already, specially since we’ve gone abroad so many times. So, we’ve gotten to know each other. So, far wala namang problema. So, parang testing yun (ng live-in),” diretsong chika pa ni Mikael.

Pero sa ngayon, wala pa sa isip ng binata na mag-propose kay Megan, wala pa sa top priorities nila ang pagpapakasal. Work daw muna sila at kapag naramdaman na nila ang tamang panahon para magpakasal, saka sila magpapatali sa isa’t isa.

“Right timing yan, e. Tsaka pag-iisipan ko pa kung paano (mag-propose) siyempre gusto ko yung may kilig naman. Hindi naman kasi kailangang i-rush ang pag-aasawa,” sey pa ni Mikael.

Anyway, first time magsasama sa isang serye sina Megan at Mikael kaya pareho silang excited sa pagsisimula ng The Stepdaughters sa Feb. 12 sa GMA Afternoon Prime.

Gagampanan nina Mikael at Megan ang mga karakter nina Francis at Mayumi na magsisimula ang love story sa asaran at awayan. Gagawin naman lahat ng kontrabidang si Katrina Halili bilang si Isabelle ang lahat para masira ang kanilang relasyon.

Trailer pa lang ng The Stepdaughters ay pinag-uusapan na sa social media dahil sa mga eksena nina Katrina at Megan. Ito ang unang pagkakataon na mapapanood ang ating Miss World na palaban at walang inuurungan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero siyempre, magpapatalo ba si Katrina sa kasamaan bilang kontrabida. Sa teaser pa nga lang ipinakita na kung paano niya sampalin at sabunutan si Megan. In fairness, Miss World ang sinasaktan niya, ha!

Kasama rin sa seryeng ito sina Allan Paule, Glydel Mercado, Samantha Lopez, Gary Estrada, Dion Ignacio, Sef Cadayona, Angelu de Leon at marami pang iba, sa direksyon ni Paul Sta. Ana.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending