Megan: Hindi ako iskandalosang tao, hindi ako palaban! | Bandera

Megan: Hindi ako iskandalosang tao, hindi ako palaban!

Jun Nardo |February 04,2018
facebook
share this

Megan: Hindi ako iskandalosang tao, hindi ako palaban!

Jun Nardo - February 04, 2018 - 12:20 AM


SUPER good ang relationship nina Katrina Halili at Megan Young kahit magbabakbakan sila sa upcoming series ng GMA na The Stepdaughters.

Ayon kay Megan nang makausap namin sa grand presscon ng bago niyang programa, sobra siyang na-intimidate kay Kat pag nasa harap na sila ng camera.

“Kasi siyempre, napapanood ko na siya eversince as kontrabida. She’s remarkable! Pero nang makilala ko siya off screen, sobrang iba sa on screen, sobrang bait, sobrang tahimik. Sobrang lambing at iyakin!

“At ang fun fact for the day, pag iku-compliment ko siya, kahit simpleng compliment lang, ‘You look good. Sobrang ganda mo today,’ nag-iiyak siya sa tuwa. Ganoon siya.

“So natutuwa ako sa kanya since mabait, magaan katrabaho and that’s easier for me coz medyo intense ang mga eksena,” pahayag ni Megan.

Palaban din ang role ni Megan sa The Stepdaughterd. Pero sa tunay na buhay, hindi raw siya mahilig sa confrontation.

“Hindi ako confrontational na tao pag may ganyan. Hindi ako ganoon palaban in real life. Kaya challenge siya for me. Kung nakita ninyo ang trailer namin, ‘Talakan mo ako, talakan din kita!’ Ha! Ha! Ha!” saad pa ng Miss World 2013.

Takot nga siya nang unang i-offer ng GMA sa kanya ang role, “Anything new, nakakatakot talaga. But at the end of the day, kailangan mo lang gawin yung 110 percent or else, makikita ang takot mo,” rason niya.

Sa unang pagkakataon, magkakasama rin sila ng boyfriend niyang si Mikael Daez sa isang serye.

“Hindi naman intimidating kasama si Mikael. Nu’ng first scene namin together, may hiya factor ako kahit matagal na kaming magkarelasyon. Seven years na kami.

“First time namin to work together sa teleserye. So may hiya factor kasi hindi pa namin nakikita ang isa’t isa in a work environment. Kung paano ako gumalaw sa taping, iba rin naman, di ba?

“But nahihiya ako sa kanya for some reason. ‘Yung scene na babatuhin ko siya ng sapatos, parang ayoko siyang saktan. ‘Okay ka lang ba? Ayokong matamaan ang mukha mo!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Natatawa ako pag rehearsal but it’s good. Mikael is there to support. Kailangan lang gawin and nagawa naman namin,” sabi pa ni Megan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending