Boobs ni Zsa Zsa ‘pabida-kontrabida’ sa farewell presscon ng Wildflower | Bandera

Boobs ni Zsa Zsa ‘pabida-kontrabida’ sa farewell presscon ng Wildflower

Ervin Santiago |February 01,2018
facebook
share this

Boobs ni Zsa Zsa ‘pabida-kontrabida’ sa farewell presscon ng Wildflower

Ervin Santiago - February 01, 2018 - 01:00 AM

TIRSO CRUZ III AT ZSA ZSA PADILLA

AGAW-eksena naman ang boobs ni Zsa Zsa Padilla sa farewell presscon ng Wildflower. E, bakit naman kasi hindi, halos lumuwa na ang dibdib ng Divine Diva sa suot niyang gown.

Biniro nga siya ng press na tinalbugan talaga niya ang mga kasamahan niyang female stars sa Wildflower dahil “bida-kontrabida” ang akting ng kanyang boobs.

Pabiro namang nag-sorry ang singer-actress sa mga “na-offend” sa naghe-hello niyang dibdib, “Naku, pasensya na. Hindi ko nga alam kung bakit laging ganito ang cut ng ipinasusuot nila sa akin.

Samantala, inamin ni Zsa Zsa na isa ang karakter niyang Red Dragon sa Wildflower ang hinding-hindi niya makakalimutan sa kanyang career. Tulad din daw kasi ng ibang karakter sa serye, tumatak na rin sa manonood ang role niya sa programa. Sa katunayan, kapag lumalabas siya, Red Dragon na ang tawag sa kanya ng mga tao.

Iba raw talaga ang epek ng seryeng pinagbibidahan ni Maja bilang Lily Cruz sa viewers kaya todo ang pasasalamat ni Zsa Zsa sa business unit ni Ruel Bayani na kumuha sa kanya para gumanap na kontrabida sa Wildflower.

Tutukan ang nalalapit na “wildest ending” ng serye, Lunes hanggang Biyernes bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending