Ruru walang arte sa hubaran: Baka maumay na kayo! | Bandera

Ruru walang arte sa hubaran: Baka maumay na kayo!

Jun Nardo |January 25,2018
facebook
share this

Ruru walang arte sa hubaran: Baka maumay na kayo!

Jun Nardo - January 25, 2018 - 12:30 AM


BIDANG-BIDA na si Ruru Madrid sa upcoming GMA series na Sherlock Jr. Bukod sa mga kapareha niyang girls na sina Janine Gutierrez at Gabbi Garcia, makaka-tandem din niya ang isang turuang aso na Golden Retriever, si Serena.

Bawat project na gawin ay may pressure siyang nadarama pero rason ng Kapuso actor, “Bakit ko uunahin ang pressure? Mas napi-feel ko ‘yung excitement at ‘yung pagiging gigil sa trabaho at mag-taping.

“Kasi kailangan ko ‘yon para at least, ma-motivate ako everyday. Kailangan kong paghirapan ito dahil nagtitiwala na sa akin ang network,” aniya.

Nawala rin ang takot niya sa aso dahil sa project na ito, “Doon ko na-realize na iba pala ang magmahal ng aso,” rason ng aktor.

Sa muli nilang pagsasama ni Gabbi sa isang resular series, nag-level up na ba ang relasyon nila?

“Eversince naman, very close kami ni Gabbi. Nagtutulungan sa trabaho. Para sa akin wala pa ring nabago. Ganoon pa rin. Kung paano ko siya ituring sa set, kung paano ko alagaan, ganoon pa rin.

Friends pa rin kami,” saad niya.

“Siguro, mas naging mature lang kami. Naisip lang namin na mas marami kaming priorities ngayon sa buhay na kailangan naming unahin which is family, career. Bihira ‘yung ganitong nabibigyan ng programa kaya kailangan naming pagtuunan ng pansin,” dagdag niya.

So never naging sila ni Gabbi? “Never naman pong naging kami!”

Ayaw ba niyang magka-girlfriend? “Kung ako ang papipiliin, huwag muna. Ang bata ko pa rin naman po para magseryoso sa ganyang bagay. Para sa akin, bakit di ko muna unahin ang pamilya ko? Once na nabibigay ko na ang gusto nila, once na okey na, settled na sila, okay na po ako roon,” dahilan ni Ruru.

Vocal daw kasi si Ruru sa pagsasabi kung crush niya ang isang babae. “Pero hanggang ganoon lang po ako,” katwiran niya.

Maghuhubad ba siya sa series gaya ng ipino-post niya sa Instagram? “Lagi nga akong po akong pinaghuhubad dito! Ako na po ang nagsasabi na baka maumay sila! Ha! Ha! Ha! Naku, wala na. Kain na nang kain! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Ruru.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa Jan. 29 ang premiere ng Sherlock Jr. at kasama rin sa cast sina Ai Ai delas Alas, Tonton Gutirrez, Andre Paras at iba pa. Mula ito sa direksyon ni Rechie del Carmen.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending