Pelikula nina Juday, Angelica, Sarah at James inaabangan na | Bandera

Pelikula nina Juday, Angelica, Sarah at James inaabangan na

Reggee Bonoan |January 05,2018
facebook
share this

Pelikula nina Juday, Angelica, Sarah at James inaabangan na

Reggee Bonoan - January 05, 2018 - 12:10 AM

ANGELICA PANGANIBAN, JUDY ANN SANTOS, JAMES REID AT SARAH GERONIMO

NGAYON pa lang ay curious na ang mga manonood sa tema at kuwento ng bagong pelikula nina Judy Ann Santos at Angelica Panganiban.

Sa trailer pa lang kasi ng “Ang Dalawang Mrs. Reyes” ay parang ang saya-saya na ng pelikula, at kung hindi kami nagkakamali, ito ang unang pagkakataon na magkakasama sa isang pelikula sina Juday at Angelica.

Tungkol ito sa dalawang misis (Angelica at Juday) na problemado sa kani-kanilang mga asawa na ginagampanan nina JC De Vera at Joross Gamboa.

Ang hindi nila alam, pareho palang beki ang kanilang mga asawa na involved din sa isa’t isa. Habang nireresolba nina Juday at Angelica ang kanilang marital problems ay marami silang madidiskubre at makakabuo ng magandang pagkakaibigan.

Ito ay sa direksyon ni Jun Lana at nakatakdang ipalabas sa Jan. 17, 2018.

Isa pang inaabangan ng mga Popsters ay ang bagong pelikula ng kanilang idolong si Sarah Geronimo, ang “Miss Granny” kung saan makakasama rin si James Reid.

Ito’y adaptation ng 2014 South Korean film kung saan gaganap si Sarah na isang matandang babae na babalik sa kanyang pagkabata. Ang “Miss Granny” ay sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal na nagsabing kaabang-abang ang proyektong ito ni Sarah dahil for the first time ay posibleng magkaroon na ng totoong kissing scene ang dalaga.

Pero ani direk Joyce sa isang panayam, “Meron, pero hindi ko alam kung kanino, kasi tatlong lalaki yun, e.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending