Kris Kay James: Sana Magbigay Naman Kay Bimby, Hindi ‘Yung Kumuha Lang Nang Kumuha Sa Amin! | Bandera

Kris Kay James: Sana Magbigay Naman Kay Bimby, Hindi ‘Yung Kumuha Lang Nang Kumuha Sa Amin!

Reggee Bonoan - June 20, 2013 - 01:07 PM

Kris Aquino, James Yap and Bimby

NILINAW sa unang pagkakataon ni Kris Aquino ang tungkol sa Permanent Protection Order na isinampa niya laban sa dating asawang si James Yap na ayon sa nauna pahayag ng abogadong si Atty. Lorna Kapunan ay naipanalo ng kanyang kliyenteng PBA player.

Naunang nagpa-interview ang abogado ni James at sinabi nitong panalo raw ang kliyente niya dahil ibinalik na ng korte ang visitation rights nito sa anak na si Bimby.

Walang paliwanag noon si Kris kaya ang akala ng lahat ay tanggap na niya ang pagkatalo, pero talo pala si James sa kaso. Sa presscon ni Kris para sa second anniversary ng Kris Reali-TV kung saan ipinakita ang biyahe nila sa Singapore kamakailan kasama ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby with co-hosts Melai Cantiveros at Jason Francisco, ay isa-isa niyang nilinaw ang mga issue.

Bakit hindi pa nagkikita sina James at Bimby gayung ibinalik na pala ang visitation rights nito, “They didn’t grant him visitation rights,” diretsong sabi ni Kris. “Honestly kasi, it’s their (James at Atty. Kapunan) joy na mag-ingay at ayaw kong ibigay ang joy na ‘yun, so hindi ko papatulan. Ang joy ko naman ay maging nanay, so ‘yun na lang,” sey ng Queen of All Media.

“I will always do what is best for my son and whatever it is that my son will request, I will give to him as long as tama. Sana lang (tumahimik na sina James) kasi, everything always idinadaan sa presscon, akala ko ba, ako ang ina-accuse nilang sobrang maingay? E, never nga ako nagsalita,” katwiran ni Kris.

Sa tanong kung hinahanap ba ni Bimby ang papa James niya na matagal na niyang hindi nakikita, “You know I won’t lie to you, kasi I can’t speak for my son, but the truth is kung hinahanap niya, sana matagal na silang nagba-bonding, walang nanay na tatanggi sa anak.”

Paano kung i-request ni Bimby na makita ang ama niya? “It’s not about me, it’s about my son and about what is best for him at kung anong gusto niya and I think, videos can’t lie kasi ina-allow ko ‘yung show ko na to shoot us na raw talaga na what’s really happening, so nakikita n’yo, naririnig n’yo kung anong klaseng magulang ako.”

Ikinuwento rin ng mama ni Bimby na noong Father’s Day ay hindi nakita ng bata ang tatay niya, “I texted their lawyers at 8 a.m. and I said how is it best to contact (James). I didn’t get a reply ‘til 4:45 p.m., at sinabi sa akin na, sorry, hindi raw nila ma-contact si Mr. Yap. At sinabi nila na subukan ko na lang daw tumawag’. So honestly, huwag naman akong gawing kontrabida, I did my share. At kung talagang atat ka sa anak mo, di ba?

So, nasaan si James noong Father’s Day, “E, baka abroad, I don’t know kung nasaan,” say ni Kris. Nag-post naman sa Instagram si James na nasa ibang bansa nga siya noong Father’s Day, “Hindi ‘yun lang, let the facts speak for itself na huwag ninyong sabihin na ipinagkakait ko, kasi wala ako ever ipinagkait doon sa dalawa (James at Bimby). And in the same breath na sasabihin ko, na ngayon ko na-appreciate ang pagkatao ni Phillip Salvador na never na ginulo si Josh na nakita na maganda ang pagpapalaki ng pamilya ko, nakita kung ano ‘yung devotion na ibinibigay ng mga kapatid ko kay Josh, hindi kami ginulo, walang hiningi at nakita naman kung ano ang resulta, di ba?

“It’s not easy to raise a special child and he (Phillip) realized that because he saw kung gaano namin kamahal si Josh. So, doon mo maku-compare kaya siguro the only thing left is that everything kasi is idinadaan sa press release,” pagkukumpara ni Kris sa mga ex na sina James at Ipe.

Sa tingin niya bakit laging nag-iingay ang kampo ni James? “E, kasi sikat ako, gusto nilang sumikat,” sabay tawa ni Kris at humirit ng, “No, I’m sorry, totoo, lang. When I got the results, nanalo ako, nagpa-presscon ba ako? Hindi, nanahimik ako. Sino ba ang pa-presscon ng pa-presscon? Let’s do this in a proper way, walang nanay na walanghiya na ide-deprive niya ang anak niya sa father lalo na kung buhay ang tatay na ‘yun, kasi I know what is like to grow up without a dad, pero, be responsible hindi naman ‘yung idinemand mo lang at kung kailan ‘yung convenient mo, e, okay.”

Ibinigay pang halimbawa ni Kris ang mga empleyado niyang tatay na, “When you have employees na tatay na, like my driver na kapag (buwan) May, pakitang gilas kasi kailangang bumale or advance for tuition fee. At naging kaugalian ko na at hindi ko binubuhat ang bangko ko, pero mayroon kaming savings na ginagawa na kung anong savings nila, mina-match ko so, nagpaalam kung puwedeng kunin muna nila ‘yung naka-set aside for their retirement.

“So, what my driver earned, they do everything para lang mapag-aral nila ang mga anak nila, eto, (James), diretso na, since nag-start ba ng school si Bimb, bumunot ba sa bulsa ever ‘yung tatay? Nag-offer ba ever? Kasi parang ang dali-daling sabihin, mahal na mahal mo anak mo, pero lahat ng tatay sa Pilipinas, mag-a-agree sa akin na what is mean to be a father, that you are responsible, good provider ka ba to the best of your ability. Hindi naman ako nanghihingi ng millions, never nga ako humingi, eh.

“Pero, I’m sure paglaki ng anak ko, gusto rin naman niyang malaman na, ay nagkusa ‘yung tatay niya. Hindi ‘yung kumuha na lang nang kumuha sa amin, sana magbigay din naman sa bata,” nangingilid ang luhang kuwento pa ni Kris.

Samantala, dalawang taon na ang Kris TV ngayong Hunyo at buong buwan nila itong ise-celebrate kaya lahat ng biyahe ng mag-iina sa ibang bansa ay ipapakita sa show, kasama na ang pag-iikot nila sa Singapore mula sa pakikipag-ugnayan ng Singapore Tourism Council.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending