Jennylyn walang balak makipag-live in kay Dennis: Gusto ko kami lang muna ng anak ko! | Bandera

Jennylyn walang balak makipag-live in kay Dennis: Gusto ko kami lang muna ng anak ko!

Reggee Bonoan |December 04,2017
facebook
share this

Jennylyn walang balak makipag-live in kay Dennis: Gusto ko kami lang muna ng anak ko!

Reggee Bonoan - December 04, 2017 - 12:01 AM


BABAENG iniwan ng mapapangasawa kaya natakot nang magmahal ang gagampanang karakter ni Jennylyn Mercado sa 2017 MMFF entry na “All Of You.”

Kaya sa nakaraang presscon ng pelikula ay tinanong ang aktres kung gaano kalapit ang sa totoong buhay ang role niya.

“Hindi naman ako takot magmahal in real life kasi kasi hindi naman ako umabot pa sa ganu’n na nagbawian ng singsing kasi engaged na, wala naman. Hindi ko pa na-experience,” sagot ng aktres.

Sa “All Of You” ay i-namin ni Jen na ito na ang pinakamatindi niyang pelikula in terms of love scenes dahil talagang tumodo na siya rito.

“Grabe! Para sa akin ito na ang pinaka-daring na nagawa ko. Kailangan talagang gawin ‘yun. Lumabas naman ng tama,” kuwento ng aktres.

Daring na para kay Jennylyn ang, “Walang pangtaas. ‘Yun na ‘yung pinaka-ano, eh, todo na ‘yun sa akin. May plaster naman sa harap, ‘yung sa likod ang wala.” Iningatan naman daw siya ni Derek sa maseselang eksena.

Konserbatibo ang mommy ni Alex Jazz kaya maski na uso na ang live-in ngayon ay hindi raw niya ito papasukin, wala siyang balak ita-try ang ganitong set-up.

“Kanya-kanyang desisyon ‘yan ng mga babae, ‘yung iba gusto nila magkasama na sila (live-in) para i-test nila ang isa’t isa kung kaya ba sa next level.

“‘Yung iba naman ayaw nilang tumuntong sa ganu’n level kasi medyo may fear, natatakot sila, ayaw pa nila kasi gusto pa rin nilang ma-experience ‘yung buhay na walang kasama, single life at kahit may boyfriend sila.

“Hindi naman ako natatakot, hindi rin naman ako hindi agree sa live-in. Sa ngayon kasi wala pa ako sa ganu’n level. May anak kasi ako, so gusto ko, nasa bahay ako kasama ng anak ko.

“Kasi ako lang naman ang nanay niya, wala naman kaming ibang kasama sa bahay, wala na rin naman si lola so as much as possible gusto ko ako lang ang kasama ng anak ko sa bahay,” katwiran ng aktres.

Paano kung yayain na si Jennylyn ng boyfriend niyang si Dennis Trillo, “Hindi ko pa po alam kung anong masasagot ko, kasi wala pa talaga. Basta nag-e-enjoy lang kami ngayon.”

Samantala, masayang naikuwento ni Jennylyn na maganda na ang relasyon nila ngayon ng tatay ng anak niya na si Patrick Garcia dahil madalas na nitong nakakasama si Jazz.

“Ang laking pasasalamat ko rin sa asawa niya, kay Micka kasi very supportive sila, parang silang dalawa ni Patrick ‘yung tatay (ng anak niya). Masaya ako na very open si Micka, very understanding, napakabait,” sabi ng aktres.

Sobrang close rin daw si AJ (Alex Jazz) sa mga ka-patid nito sa ama, “Kasi e-verytime na dadalaw sila sa bahay, kasama ‘yung mga bata, kumpleto sila. Puwede na ring mag-overnight si AJ kina Patrick.”

Nahihiram at nakaka-tulog na rin daw ang bagets sa bahay nina Patrick na rati’y hindi nangyayari.

“Mahirap kasi di ba, may kundis-yon si Jazz, mahirap kapag hindi ka sanay (may ibang tao), kasi noon maliit pa siya, ngayon 9 years old na siya, nakakatakot lang na kapag nasa ibang bahay kahit na tatay niya ‘yun, mahirap ‘yung handling (kasi may tantrums), pero ngayon, nagagamay na niya,” say ni Jen.

q q q

Going back to “All Of You”, nabanggit ni Jennylyn na hindi siya sure kung panonoorin ito ni Dennis lalo’t may love scenes sila ni Derek.

“Never naman ‘yang nakapanood ng movie ko, eh. Siguro, ayaw lang niyang mailang. Kahit ako, kapag may mga ganu’n, ayoko ring nanonood. Pareho kami,” kaswal na sabi ng aktres.

At sa muling pagsasama nila ni Derek sa pelikula, sabi ni Jen, “Happy ako na siya uli ang kasama ko, kasi napakakomportable ko na sa kanya. Hindi na ako naiilang, wala nang problema. Kumbaga, pagdating namin sa set, take agad, wala nang ilangan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “All Of You” ay mula sa Quantum Films, MJM Productions, Globe Studios at Planet Media Production. Kasama rin dito sina Via Antonio, Hannah Ledesma, Kean Cipriano, Solenn Heussaff, Nico Antonio, Milo Elmido at marami pang iba sa direksyon ni Dan Villegas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending