AIKO magang-maga ang mukha... epekto raw ng ‘BAWAL’ na gamot | Bandera

AIKO magang-maga ang mukha… epekto raw ng ‘BAWAL’ na gamot

Reggee Bonoan - June 18, 2013 - 03:24 PM

MARAMING nagtatakang viewers kung bakit palaki nang palaki ang mukha ni Aiko Melendez kapag napapanood nila ito sa seryeng Apoy Sa Dagat. Epekto raw ba ito ng pagpapa-botox?

Nakakagulat nga rin kung bakit tila lumapad nang husto ang mukha ni Aiko sa nasabing serye gayung wala kaming natandaang pinagalaw niya ito base sa kuwento niya noong nagkaroon siya ng solo presscon para sa nasabing serye, ang sabi lang niya ay nagpapa-inject siya para pumayat siya sa kaibigan niyang doktora.

Matagal na naming hindi nakakausap si Aiko dahil busy siya sa taping ng Apoy Sa Dagat at timing naman na may nakatsikahan kaming taong malapit sa kanya, ipinagtanggol siya nito.

“Hindi siya nagparetoke ng mukha, gusto kasi niyang pumantay ‘yung jaw niya, so may iniinom siyang gamot, e, hindi pala kasundo ng sistema niya, na bawal sa kanya, nagka-allergy, hayun, namaga.

“Wala naman siyang choice na magpahinga kasi may serye siya, so kahit namamaga ang face niya, nagte-taping pa rin siya,” kuwento sa amin.

At tungkol naman sa katawan ni Aiko, “Actually, payat siya sa personal, malaki lang talaga ang frame niya, lalo na sa balikat pang-swimmer kasi ang built ng katawan niya, e, di ba swimmer naman talaga siya?

“Kaya akala ng iba, mataba si Aiko, hindi totoo, payat talaga siya, mukha lang niya ang namamaga kasi nagka-allergy,” pahayag pa ng aming source na naninindigang walang ipinagalaw sa mukha si Aiko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending