Husgahan n'yo na siya hangga't gusto n'yo, ok lang sa 'kin! – TONI | Bandera

Husgahan n’yo na siya hangga’t gusto n’yo, ok lang sa ‘kin! – TONI

Reggee Bonoan - June 16, 2013 - 03:22 PM

ANG Kuwentong Bahay, Kuwentong Kusina ang bagong reality show ni Toni Gonzaga sa ABS-CBN, ito’y bilang kapalit ng Pinoy Big Brother.  Sa pagkakaalam kasi namin sa kontrata ng TV host-actress-singer ay may PBB ngayong taon kaso maraming reality shows ang umere na hindi kasama si Toni kaya itong cooking show ang ibinigay sa kanya bukod pa sa The Voice na nagsimula na kahapon.

‘Yun nga lang, na-curious ang entertainment press kung ano ang pagkakaiba ng Kuwentong Kusina, Kuwentong Bahay sa Pinoy Master Chef ni Judy Ann Santos. “‘Yung kay Juday na Master Chef is a cooking competition. And this is not a contest. It’s a cooking reality show. Kaya nga naisip ko, kaya  siguro ako nailagay dito kasi may ‘reality’ na nakasulat, eh. So, it’s a reality show na big part ang cooking,” say ni Toni.

Wala raw contest dito, sabi ng dalaga dahil nagkukuwento lang ang mga mapipiling marunong magluto kung ano ang specialty nila at kung anu-ano ang mga kuwento nila sa kani-kanilang buhay at kapag nasa kusina. “Hindi lang dishes ang mga bida rito kundi kuwento rin na nakaka-inspire rin sa atin. We’re featuring different stories of different people and how their lives have changed because of food and how food is a big part of their lives,” paliwanag pa ng TV host.

Ang maganda ay iikutin ni Toni ang buong Pilipinas para ipakita naman ang iba’t ibang specialty ng bawat lugar. At dahil nagluluto na si Toni ay hindi maiwasang hindi tanungin kung senyales na ito sa nalalapit nilang pagi-isang dibdib ng long time boyfriend niyang si direk Paul Soriano.

“Papa-asawa na raw. Eh, baka. Hindi ko alam, baka. I’d like to say that this can be a good preparation for me kasi mahirap naman ‘yung mag-i-start ka ng isang pamilya tapos hindi mo naman kayang alaagan ang pamilya mo. Part of taking care of your family is cooking for them, pakainin mo sila at busugin din ng pagmamahal sa kusina,” pag-amin ni Toni.

At ang nakatikim na raw ng luto ng dalaga bukod sa pamilya niya ay ang future groom niyang si direk Paul na simple lang ang mga type na pagkain tulad ng garlic pasta, clam chowder at carrot cake, pero ang pinakapaboritong ulam nito ay galungong at sayote kaya naman hindi raw nahirapan ang dalaga na ipagluto ang direktor.

May mga guest chef din daw sa Kuwentong Kusina, Kuwentong Bahay tulad ni Chef Gene Gonzales na may-ari ng Café Ysabel, “Iba-ibang chef po ang makakasama, and also makakasama rin namin ang iba-ibang celebrity guests, depending on the ipe-feature po naming story na mayroon related din po sa iluluto namin,” kuwento ni Toni. Mapapanood na ang Kuwentong Buhay, Kuwentong Kusina tuwing Linggo, 9 a.m. simula sa Hunyo 23 na inisponsoran naman ng San Miguel Purefoods.

Going back to direk Paul, inamin na ng dalaga na nararamdaman niyang naiinip na ang boyfriend niya ng anim na taon kung kailan sila magpapakasal, “May mga times na talagang naiinip na, hindi na rin naman ako magsisinungaling, inip na inip na rin  siya.

“Pero dahil nga medyo nagkakapatong-patong talaga ang trabaho and as a contract artist ng ABS-CBN, there are some stipulations sa contract, so tinatapos ko ‘yun. “Malapit na rin naman. Darating na rin naman tayo sa puntong ‘yun na talagang kapag I’m moving on for the next chapter of my life, eh sasabihin ko rin naman. Pero sa ngayon, wala pa,” saad niya.

Kaya mabuti na lang at hindi pa nagpo-propose si direk Paul kaya wala pang pressure kay Toni, pero kung sakali, “Go! Walang problema. Sasabihin ko naman sa inyo pag nag-propose. Ang pag-aasawa naman, darating na lang ‘yan ke me konrata o wala.”

May intrigang may ibang babae si direk Paul at sa katunayan ay maraming litratong kumalat na may kasama siyang iba, “Lagi namang may pictures na ganyan. Lagi-lagi, it’s either lumang pictures before na hindi pa kami magkakilala. Tumo-throwback Thursday and Flashback Friday din sila. Ha-hahaah!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“‘Yung iba (babaes), kakilala ko, ‘yung iba, mga kaklase niya, mga kasama niya before or ‘yung iba kuha from mga Christmas parties. Ako, dumating na ako sa point na I don’t want to defend the pictures anymore, I don’t wanna say anything about the pictures anymore because it will just sound na parang ipinagtatanggol ko siya at iisipin ng iba, bulag-bulagan, tanga-tangahan.

“So, kung ano na lang ang makita ninyo sa litrato, husgahan n’yo na siya hanggang gusto n’yo siyang husgahan, pagpiyestahan n’yo na lang siya hanggang gusto n’yo siyang pagpiyestahan. Kasi ang importante, nakarating na ako ng six years (relasyon), kampante na ako, tahimik na ang kalooban ko, may peace of mind na ako,” katwiran ni Toni.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending