Fans nina Ruru, Gabbi, Derrick, Bea umapela sa GMA | Bandera

Fans nina Ruru, Gabbi, Derrick, Bea umapela sa GMA

Jun Nardo |October 17,2017
facebook
share this

Fans nina Ruru, Gabbi, Derrick, Bea umapela sa GMA

Jun Nardo - October 17, 2017 - 12:10 AM

GABBI GARCIA AT RURU MADRID

UMUUGONG ang tsismis na paghihiwalayin na ang Ruru Madrid-Gabbi Garcia loveteam.

Kay Derrick Monasterio umano itatambal si Gabbi sa isa proyekto ng GMA 7.

Pero hindi lang daw ang Gab-Ru fans ang umaalma sa chikang ito. Ngumangalngal din daw ang fans nina Derrick at Bea Binene na kumokontra sa plano ng Kapuso Network. Huling napanood sina Derrick at Bea sa Mulawin vs. Ravena at umaasa raw ang mga ito na magkakaroon agad sila ng follow-up project.

Ang masaklap nga lang daw kapag natuloy ang balak na ito, lagi na lang daw inihihiwalay si Bea sa nagiging ka-loveteam nito, huh! Nangyari na ‘yan nang pumatok ang tambalan nila ni Jake Vargas pero nauwi rin sa wala ang pinagsamahan ng dalawa.

Hinuhubog na rin kasi bilang solo actor si Ruru na sinimulan sa Alyas Robin Hood kung saan wala siyang love interest.

Abang-abang na lang Gab-Ru at Der-Bea fanatics kung matutuloy ang planong ito. Malay n’yo naman mas maganda pala ang plano ng GMA para sa kanilang mga career.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending