Paulo, Ritz pwedeng ipangsabong sa mga K-Drama | Bandera

Paulo, Ritz pwedeng ipangsabong sa mga K-Drama

Reggee Bonoan - October 11, 2017 - 12:01 AM

PAULO AVELINO AT RITZ AZUL

PANIBAGONG yugto ng kanilang mga buhay ang haharapin nina Nicolas (Paulo Avelino) at Sophia (Ritz Azul) sa muling pagtatagpo ng kanilang landas at pagpapatuloy ng kanilang naumpisahang pag-iibigan sa The Promise Of Forever.

Lubos na nga ang pagmamahal na nararamdaman ni Nicolas para kay Sophia, kaya naman sa kabila ng kanyang kundisyon, hindi ito tumigil na hanapin ang dalaga upang muling subukang paglapitin ang kanilang mga puso.

Mas determinado na rin si Nicolas na hanapin ang gamot sa kanyang kundisyon para tuluyan nang magkaroon nang normal na buhay kasama ang babaeng iniibig.

Ngunit sa kabila ng muling pagkikita ng dalawa, mas tumitindi naman ang panganib sa buhay ni Nicolas dahil parte na rin si Philip (Ejay Falcon) ng grupong gustong tumugis at pumatay sa kanya bilang si “immortal man,” sa pangunguna ng kanyang amain na si Marlon (Tonton Gutierrez), upang mabuo na ang “miracle drug” na makapagpapagaling sa lahat ng sakit.

Manumbalik na nga ba ang dating pag-ibig nina Nicolas at Sophia para sa isa’t isa? Ano naman kaya ang dalang panganib nina Philip at Marlon sa buhay nila?

Samantala, lubos namang kinakiligan sa online world ang serye. Hindi rin mapigilan ng netizens ibahagi ang papuri nila para sa nakakikilig na mga eksena ng serye.

“First time kong kiligin sa loveteams. Ang ganda ng chemistry nina Paulo at Ritz,” sabi ng iWant TV user na si Neriz Desilva.

“Kakapanood ko lang ng #TPOF at agree ako sa comments na deserve nito talaga ng primetime slot sa ganda,” tweet naman ni @EverW01.

“Parang pelikula sa ganda itong serye na ito pwedeng panlaban sa Korean series! Congrats Dreamscape and ABS-CBN,” comment naman ng YouTube user na si Yani Merck.

Huwag palampasin ang kuwento ng pangako ng walang hanggang pag-ibig sa The Promise Of Forever, sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending