Piolo kung kani-kanino nirereto ng nanay para makapag-asawa na | Bandera

Piolo kung kani-kanino nirereto ng nanay para makapag-asawa na

|September 26,2017
facebook
share this

Piolo kung kani-kanino nirereto ng nanay para makapag-asawa na

- September 26, 2017 - 12:05 AM

INIP na inip na rin ang nanay ni Piolo Pascual na si Mommy Amelia na magkaroon ng asawa ang kanyang anak. Sa katunayan, nirereto na raw niya si PJ sa ilang kakilalang single na babae.

Nais ni Mommy Amelia na lumagay na sa tahimik si Piolo at magkaroon pa ng mga anak. Sa panayam ng Magandang Buhay sa Kapamilya hunk actor inamin nitong nape-pressure na siya sa hirit ng kanyang ina.

“Kaya ko inirereto ‘yan, maski kanino gusto ko mag-asawa na. I want him to have his own family. Pero sabi nga niya, in time,” ani Mommy Amy.

Pahayag naman ni Piolo, “Ewan ko ba dito kay Mommy. Kapag bumibiyahe kami, maski flight attendant kinakausap niya, tatanungin niya, ‘Single ka ba?’ ‘O, ‘anak, single pa ito.’ ‘Ito nga pala ang anak ko, anak lumabas kayo, mag-date kayo.’

“Ako naman, ‘Mommy, bakit mo ginagawa yan?’ So kung sino ang makita niya, kapag nakita niyang may potential, nirereto niya talaga ako,” natatawang chika ng tatay ni Inigo Pascual.

Ayon kay PJ, naniniwala siya na darating at darating din ang babaeng para sa kanya, “Oo sana, masuwerte ako kapag nangyari yon,” ani Piolo na umaming gustong maging pari o pastor noon.

“Hanggang ngayon ay hinahanap ko pa rin ‘yon, kasi my bottomline, ang goal ko sa buhay ay ma-fulfill ko ang destiny ko, kung ano ang purpose ng Diyos sa akin at kung ano ang calling niya sa akin.

“Even ‘yung pagiging artista, I just have to embrace it at di mo kailangang maging pastor to be able to share the words of God. Pero gamitin mo ang influence mo to do the right thing and let it speak for you,” litanya ng leading man ni Toni Gonzaga sa latest offering ng Star Cinema, N2 Productions at Spring Films, ang inaabangan na ng lahat na “Last Night”, showing on Sept. 27 nationwide.

Tungkol naman sa pagpapakasal at pagbuo ng sariling pamilya, “Ready naman ako, kaso wala akong oras. Sa totoo lang ang daming trabaho at hindi ko puwedeng hindi i-savor ang moment na ito. There has to be a perfect timing for everything.”

Isa sa mga dapat abangan sa “Last Night” ay ang bathtub scene nina Piolo at Toni na gaganap bilang sina Mark at Carmina. Sabi nga ni Toni, ito na raw ang pinaka-daring na eksenang ginawa niya sa buong buhay niya bilang aktres, “Hindi ko alam kung paano ko nagawa iyon!”
Sey naman ng isa sa mga producer ng movie na si Neil Arce, ito na ang “weirdest romantic scene” na napanood niya sa isang pelikula. Ang “Last Night” ay tungkol sa dalawang taong “nawawala sa sarili” na pinagtagpo at nagdesisyong magsama sa “huling gabi” ng kanilang buhay.

q q q

Samantala, bukod sa reunion movie nila ni Toni, busy din ngayon si Piolo sa pagpapakalat ng balita tungkol sa highly-anticipated annual fun run ng Sun Life Financial Philippines. Dubbed as “SunPiology Duo”, magsasanib-pwersa ngayong taon ang mga running at cycling enthusiasts.

#SunpiologyDUO will come in two parts, ang “Sun Life Cycle PH” at “Sun Life Resolution Run.” Ang Sun Life Cycle PH ay magaganap sa Nov. 18 sa Bonifacio Global City, Taguig, in partnership with Sunrise Events, Inc..

Naganap ang contract signing ng dalawang kumpanya kasama sina Sun Life CEO and Country Head Riza Mantaring, Sun Life brand ambassador Piolo Pascual, Sunrise Founder Wilfred Uytengsu, at Sunrise General Manager Princess Galura.

“We recognize cycling’s growing popularity in the Philippines, and this is our share in helping encourage more people to get into the sport,” ani Sun Life Chief Marketing Officer Mylene Lopa. “Just as it is in our fun run, Sun Life Cycle PH will cater to different ages and will offer different categories.”

May seven categories para sa Sun Life Cycle PH: Tricycle Ride (100 meters for 2-3 years old), Kids’ Ride (500 meters for 4-5 years old), Family Ride (30 minutes for 6-15 years old with adult companion), Solo Ride (30 minutes for 6-15 years old), Short Distance Ride (20km for 10 years old and above), and Long Distance Ride (40km for 10 years old and above).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

A charity category called Bid2Bike lets the fans of Piolo, Matteo Guidicelli, Inigo Pascual, Gerald Anderson and other Star Magic stars, bid for a chance to bike alongside their idols, an exclusive photo souvenir, and have their jersey signed. For cycling enthusiasts, they can bid to ride with legend Robbie McEwen.

Ang Sun Life Resolution Run naman ay magaganap sa Jan. 20, 2018: 3k, 5k, at 10k categories. Sa mga nais mag-join sa Sunpiology Duo, sign up for Sun Life CyclePH @BGC and get P100 off Sun Life Resolution Run registration fees. Registration for both races is now open at HYPERLINK “https://www.sunpiology.com” www.sunpiology.com..

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending