Sam suportado ang pagbabagong anyo ni Jake Zyrus | Bandera

Sam suportado ang pagbabagong anyo ni Jake Zyrus

Reggee Bonoan |September 16,2017
facebook
share this

Sam suportado ang pagbabagong anyo ni Jake Zyrus

Reggee Bonoan - September 16, 2017 - 12:10 AM

TWO heads are better than one.” Ito ang sinabi ng talent manager na si Carlo Orosa sa ginanap na contract signing ng alaga niyang si Sam Concepcion sa Viva Artist Agency ni Veronique del Rosario kamakailan.

“We know naman that he’s (Sam) multi-talented, he’s not just a singer, he’s also a very good actor and I think Viva Films will be able to give him big breaks in terms of films and of course that is what we’re excited about kasi we’ve known Viva (for a long time).

“They’re now multi-media and I think, they would be able to expand Sam’s career in terms of becoming a big movie star and that’s what we’re looking into now. That’s the big focus for this contract deal,” ani Carlo.

Pero inamin ni Carlo na kapipirma lang din ni Sam sa international label ng Star Music na Tarsier Records at aware daw ang Star Music na may kasunduan sila ng Viva na puwede siyang mag-record ng album for movie soundtrack kung kasama ang singer-actor sa pelikula.

Matagal nang talent si Sam ng Stages na pag-aari ni Carlo simula pa noong sumali siya sa Little Big Star Season 1 (2006) kung saan nakalaban niya si Charice na Jake Zyrus na ngayon. Ayon kay Carlo, 5-year contract ang pinirmahan ni Sam sa Viva kasama na ang management contract at movies at iba pang puwedeng gawin ng alaga niya bukod sa pagkanta at pag-arte.

Sa ginanap na contract signing ay tinanong si Sam kung anong masasabi niya sa pagbabago ng katauhan ni Charice bilang si Jake Zyrus? “Siyempre, it came as a surprise to everyone and to myself included, pleasantly surprised but that’s what he wants to take, his career and his personal life and his music and he’s working very well then,” reaksyon ng binata.

Sa palagay ba niya ay mas nakaganda ito sa career ni Charice? “Ahhh, (sabay tawa). Wala kasi akong experience sa ganyan kaya hindi ko alam. Pero choice n’ya ‘yun, eh, ‘yun ang gusto niya, so why not by all means!” saad niya.

Naging magkaibigan ba sila pagkatapos ng Little Big Star? “Oo naman, after kasi medyo nag-iba na ‘yung career path ko, I started doing TV (shows), nagseserye na ako no’n tapos gumagawa na ako ng album, and she was also doing shows and from time to time, nagkakatrabaho naman kami,” pag-alala ng singer.

Open namang makipag-collaborate si Sam kay Jake Zyrus, sa katunayan ay nag-guest na raw siya sa kauna-unahang major concert nito noong Charice Pempengco pa ang gamit nitong pangalan na ginanap sa SM MOA na pinrodyus ni Joel Cruz noong 2011.

q q q

Kamakailan ay pumirma na rin ang girlfriend ni Sam na si Kiana Valenciano sa Viva Artist Agency kaya binibiro ang binata na sinundan daw niya ang dalaga.

“Mukhang ganu’n nga, oo naman. Influence na sumunod ako, kasi nainggit ako sa kanila, eh. Lahat sila nagkakatrabaho,” tumatawang sagot ng singer.

Sinu-sino ang gusto niyang makatrabaho sa Viva? “Wow, may suggestions ba kayo? I would love to meet everyone here. We’re really looking forward, this is such a blessing that has happened for time in my career, parang lahat kasi pinagsasabay ko, iba’t ibang bagay.

“I was doing a teleserye kasabay ng isang stage play, kasabay ng album, kasabay ng Your Face Sounds Familiar, parang masyadong spread out ‘yung efforts ko into different things kasi gusto kong gawin lahat, especially a few years ago, I wouldn’t do anything but I’ve been given a chance to focus on certain things in a period of time and certain seasons in working in a music and then this. So focus energy and better concentration and I’m very excited,” aniya.

Open din ba siyang makasama ang Viva artist na si Anne Curtis sa isang project? “Oo naman, oo naman,” natawang sagot ng binata. Matatandaang nagkaroon ng gusot noon sina Anne at Sam nang magkita sa birthday party ni Vice Ganda sa isang restobar sa The Fort noong 2014.

Tinanong daw ni Anne si Sam ng, “Bakit mo niloloko ang kapatid ko (Jasmine Curtis)?” Na dinugtungan pa raw ng, “Why are you here? Who invited you? You are not classy enough to be here!”

Obviously hindi boto si Anne kay Sam para sa kapatid nitong si Jasmine hanggang sa nagkahiwalay na ang dalawa. Sa ngayon, masaya na si Sam sa girlfriend niyang si Kiana habang si Jasmine ay masaya na rin sa boyfriend niyang businessman na si Jeff Ortega na gustung-gusto ng pamilya nina Anne.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagpapansinan o nag-uusap ba sila ni Jasmine pag nagkikita sa mga showbiz event? “Okay naman, we don’t really talk, I don’t get to see her.” E, si Anne? “Oo naman, of course If I see her sa ABS (CBN), I say hi to her,” tipid na sagot ni Sam.

Pagkatapos ng contract signing ay saka pinag-usapan nina Sam, boss Vic del Rosario, Carlo at Ms. Veronique kung anong pelikula ang unang gagawin ng aktor at kung sino ang makakasama nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending