Daiana idedemanda ang umbagerong ka-live in | Bandera

Daiana idedemanda ang umbagerong ka-live in

Reggee Bonoan - June 13, 2013 - 02:32 PM

Daiana Meneses

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito kahapon tungkol kay Brazilian model-actress-TV host Daiana Meneses, mismong siya ang nag-post ng kanyang mga larawan sa Instagram na nagpapatunay na isa siyang biktima ng karahasan.

Binalikan kami ng aming source na isa sa mga araw na ito ay magsasalita na si Daiana kasama ang kanyang mga magulang.
“Pauwi na ang daddy ni Daiana para saklolohan siya at planong magdemanda sa taong bumugbog sa anak niya,” sabi sa amin.
Tinanong namin kung magkasama ba sa iisang bubong sina Daiana at ang taong nanakit sa kanya, “Oo, live-in na sila,” mabilis na sabi sa amin.

Samantala, iisang pangalan lang ang lumulutang na posibleng sangkot sa isyung ito, ang boyfriend niyang si Cagayan de Oro First Disctrict Rep. Jose Benjamin Benaldo. Hindi diretsong tinukoy ni Daiana kung sino ang taong nananakit sa kanya nang pisikal, pero ngayong kumakalat na ang pangalan ng kongresista, dapat sigurong magsalita na siya at linawin ang kuwentong ito.

Samantala, may narinig din kaming tsika na kaya raw mainitin ang ulo ngayon ng nasabing kongresista ay dahil natalo ito sa nakaraang eleksyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending