Tanong ng mga boys: For hire ba si Ellend Adarna? | Bandera

Tanong ng mga boys: For hire ba si Ellend Adarna?

Jobert Sucaldito |August 16,2017
facebook
share this

Tanong ng mga boys: For hire ba si Ellend Adarna?

Jobert Sucaldito - August 16, 2017 - 12:01 AM

ELLEN ADARNA

MARAMI ang nagtatanong sa akin kung ano talaga ang rason kung bakit pinasok ni Ellen Adarna ang showbiz – gusto ba niyang mag-artista or gusto lang niyang i-date ang mga guwapong male celebrities natin?

Natawa naman ako sa tanong na ito ng isang bagets na nakilala ko sa isang sing-along bar. Kasi raw, palagi na lang naka-headline si Ellen dating this guy and that guy. Kailan naman daw kaya siya makaka-score ng date kay Ellen?

Niloko ko si bagets na huwag nang umasa dahil mukhang hindi pumapatol si Ellen sa mga bata kahit ito na ang pinakadakila sa mundo in terms of you know what. Ang type yata ni Ellen ay yung mga mukhang animalistic – yung parang ibabalibag siya sa apat na kanto ng kama, yung mga lalaking very manly ang looks. Hindi yung boy-next-door type.

Tingnan mo ang mga na-link sa kanyang mga lalaki, from EJ Falcon to Paulo Avelino to Baste Duterte and now this K-Pop boy named Seungri na namataan with her sa Bali, Indonesia. Kasi nga, Ellen is the outgoing type, di ko lang alam if she’s really that liberated kasi she looks it naman- sobra-sobra.

“Baka nga kaya siya nag-artista para makilala lang at para makapang-hunting ng mga lalaking feel niyang dyowain? Kasi, tingnan mo ang ibang mga babaeng artista, busy sa kapu-promote ng kanilang movies and TV shows samantalang siya, panay ang pose niya in her bikini or whatever sexy outfits, minsan nude pa nga, with boys around her. Is she for hire?” tanong naman ng isang bagets na parang manghang-mangha.

Hoy! Ang bunganga mo naman. Dahan-dahan ka sa pananalita. Grabe ka namang manghusga kay Ellen. Mahilig lang siguro talaga siyang makipag-date, mahilig lang talaga siguro siyang mag-party but that doesn’t necessarily follow that she is for hire. Hayaan mo siya sa trip niya – walang basagan ng trip. Kung ganoon siya ka-outgoing, let her be. Inaano ka ba ni Ellen? Baka type mo lang siya at inggit na inggit ka dahil hindi mo siya natitikman.

Umamin din ang bagets na kausap namin, crush daw kasi niya si Ellen noon pa. He finds the sexy star gorgeous. Payo ko sa kanya, magpatubo muna siya ng balbas, magpalaki ng katawan at mag-ipon ng salapi para pansinin siya ni Ellen, ‘no! Mukhang ayaw ni Ellen ng good boy ang dating, gusto niya yung parang may pagkabarumbado.

“Hindi kaya bakla si Ellen sa past life niya. Nagpa-regress na kaya siya? Ha! Ha! Ha!” sawsaw naman ng isang baklitang kasama namin that night.

Puwede! Kasi nga, ayon sa mga palad natin (palad daw, ow!) we’ve lived in another past life before. Puwedeng hindi ka tao nu’ng nakaraang buhay mo, puwedeng halaman ka dati. Puwede ring dati kang hari in your past life pero ngayon ay isa kang mahirap na baklita dala ng karma mo in the past. Ellen may just be a darn gay warrior na nu’ng ibinalik sa lupa in her present lifetime ay naging palabang babae. Ganyan lang daw ang buhay. Hindi natin alam.

Wait, may project ba si Ellen ngayon? Baka nga wala kaya siya pabandying-bandying lang in and out of the country. Sa totoo lang, nakakainggit ang lifestyle niya, ha. Pero in fairness to this girl, mabait namang kausap. Masayahin at down to earth. That’s why she’s loved by men. Ha! Ha! Ha! Bumalik pa rin sa MEN, di ba? Kaloka!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending