Andrea: Wala akong kinatatakutan, trabaho lang po, walang personalan!

By Ervin Santiago August 14,2017
share this

Andrea: Wala akong kinatatakutan, trabaho lang po, walang personalan!

By Ervin Santiago August 14,2017
share this

ANDREA TORRES

WALANG personalan, trabaho lang! ‘Yan ang pinaiiral ngayon nina Dingdong Dantes at Andrea Torres sa gitna ng pang-iintriga sa kanila ng ilang netizens.

Muling magsasama sa pagbabalik ng Alyas Robin Hood sa GMA Telebabad sina Andrea at Dingdong bilang “partners in crime” na sina Venus at Pepe, kaya muling nabuhay ang kontrobersya sa pagitan ng Kapuso sexy star at ni Marian Rivera.

Ayon kay Andrea, wala naman talagang problema sa kanila ni Marian, nagtatrabaho lang daw siya at ayaw niya ng kaaway. Hindi rin siya naniniwala na posibleng maging isyu kay Marian ang muli nilang pagtatambal ni Dongdong sa Alyas Robin Hood 2 na magsisimula na ngayong gabi sa GMA Telebabad.

Natanong ang dalaga kung hindi ba siya natatakot na baka mas lumala ang pang-iintriga sa kanila ni Marian? “Wala naman akong ibang kinatatakutan. Si God lang ang kinatatakutan ko. Basta professional lang, I think ‘yun naman talaga dapat. We came here to work, ang focus mo lang kapag pumupunta ka sa set is yung work lang. Hindi yung mag-iisip ka ng kung anu-ano pa.

Hirit pa ng sexy actress, “Tsaka blessing ang ARH, work ‘yan, maraming gustong mag-artista. And naramdaman ko yung feeling na gusto kong magkaroon ng project, kailan ‘yun darating. Ngayong may dumarating ng mga soap, parang hindi tamang mamili o pag-isipan siya ng ganu’n.”

Ito naman ang masasabi ng dalaga sa kanyang bashers, “Kapag may negative, huwag mo siyang sasanggain ng negative, sanggain mo siya ng positive. Sabi nga nila, kung ano ang ginagawa mo, yung ang babalik sa ‘yo. Kung aawayin mo, lalong gugulo. Pero kung di mo papatulan, mas hihina. Siyempre, oo, maaapektuhan ka. Pero nasa sa ‘yo naman ‘yun.

Wala rin daw silang ilangan ni Dingdong sa taping ng Alyas Robin Hood 2 kahit na may mga intriga sa kanila ng asawa nitong si Marian, “Always naman po kapag kami ang magkaeksena, parang ang dali. Kasi, with Kuya Dong naman, kitang-kita mo sa kanya si Pepe at saka maraming akong natututunan sa kanya. It’s always fun working with him.”

Samantala, siguradong pag-uusapan na naman ang mga eksena ni Andrea sa ARH2, lalo na ang mga fight scenes nila ni Dingdong at ang mga nakakalokang showdown nila ni Solenn Heussaff. Sa pilot week pa lang daw ng serye ay may pasabog na agad si Andrea, may parachute scene raw ang aktres na one piece swimsuit lang ang suot.

Makakasama rin sa pagbabalik ng Alyas Robin Hood 2 sina Jaclyn Jose, Ruru Madrid, Edu Manzano, Gary Estrada, Paolo Contis, Jay Manalo, Rey “PJ” Abellana, Gio Alvarez, KC Montero, Lindsay de Vera, Dave Bornea, Rob Moya, Antonette Garcia at Luri Nalus. Ito’y sa direksyon ni Dominic Zapata.

Magsisimula na ang Alyas Robin Hood 2 ngayong gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending