Quantcast

Kasalang Rochelle-Arthur ipalalabas sa KMJS

NGAYONG Linggo rin ipasisilip ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang kasal ng dating lider ng Sexbomb Dancer na si Rochelle Pangilinan at ng kanyang long-time boyfriend, ang aktor na si Arthur Solinap.

Bukod sa star-studded ang naging kasal ng dalawang Kapuso stars, pinag-usapan din ang wedding gown ni Rochelle na gawa ni Michael Cinco. Si Arthur naman na dating Abztrack dancer, nagpakita ng kanyang da moves sa reception kasabay ang pinsang si Dingdong Dantes. Hindi naman nagpahuli si Rochelle dahil nagpa-“get get awww” rin ang lahat sa husay pa rin nitong sumayaw. Babalikan din ng KMJS ang kanilang love story na tiyak magpapakilig sa viewers.

Samantala, putok-batok naman ang mga taga-Mactan Alfresco, Lapu Lapu City sa Cebu dahil idinadaos ngayon ang Lechon Festival tampok ang mga lechuneros ng Cebu. Sa mga nakalipas na taon, unti-unti ngang nakilala ang mga taga-Cebu dahil sa kanilang mga lechong baboy.

Dalawampu’t pitong taon na mula nang nawala si Philip. Lumabas lang ito para maglaro pero hindi na ito muling nakabalik pa. Pero ang kanyang mga kapatid, umaasang matatagpuan pa rin nila si Philip.

Nakatanggap ang programa ng impormasyon sa kinaroroonan ni Philip. Ito na nga ba ang hinihintay na himala ng kanyang pamilya?

Abangan lahat ‘yan sa KMJS tonight after Daig Kayo Ng Lola Ko sa GMA.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement