Ahron pinaniwala si Cacai na may 'forever' para bumongga ang career? | Bandera

Ahron pinaniwala si Cacai na may ‘forever’ para bumongga ang career?

Jobert Sucaldito |July 26,2017
facebook
share this

Ahron pinaniwala si Cacai na may ‘forever’ para bumongga ang career?

Jobert Sucaldito - July 26, 2017 - 12:05 AM


KUNG anu-anong adjectives ang idinikit ng netizens kay Dental Diva Cacai Bautista nu’ng ma-link siya noon kay Papa Mario Maurer ng Thailand at muli na naman itong naulit dahil sa isyu between her and actor Ahron Villena.

May tumawag sa kanyang ilusyunada, feelingera, feeling-pretty and anything related. Kung pakakaisipin mo, kawawa rin naman si Cacai dahil sa likod ng pagiging komedyana nito ay tao pa rin siya – nagmamahal at nasasaktan. Iyon nga lang, masyado lang siguro siyang na-overwhelm sa kabaitan ng mga guwapong boys na nali-link sa kanya kaya na-misinterpret niya ang sitwasyon.

Recently, lumabas sa mga interview kay Cacai (meron siyang concert sa Resorts World Manila) ang tungkol sa kanila ni Ahron Villena, na balitang matagal nang nakipaghiwalay sa kaniya. Sinabi kasi ng komedyana na tanggap naman daw niya si Ahron kung anuman or sinuman ito. Kumalat kasi ang mga tsismis na lagi raw may ka-date na gays ang aktor in and out of the country.

At dahil sa statement ni Cacai, hindi nakapagpigil si Ahron at sinagot ang komedyana. Nakiusap si Ahron na sana’y huwag siyang gamitin sa promo ng concert nito. At ipinagdiinan pa niya na NEVER naging sila ni Cacai. Malaking sampal iyon kay Cacai. Some found Ahron’s statement very ungentlemanly while others say naman na Cacai just got a dose of her own medicine. Pero nag-apologize naman in a way si Ahron if he has offended Cacai with those strong words pero nililinaw lang daw niya na, “THERE WAS NEVER AN US”.

May gusto lang din akong i-share na opinyon on this. I am in a way hurt for Cacai dahil ang tanging kasalanan lang nito ay ang pagiging hindi maganda (ang beauty niya lies within, super talented and having a kind heart) at na-in love sa isang guwapong lalaking akala niya ay naging sila. Kasi nga, pinaniwala naman yata siya ni Ahron na meron silang something when they used to go out before. In fairness kay Cacai, she was a hot item during and right after Your Face Sounds Familiar Season 2 and Ahron then ay walang-walang career.

Isiniksik niya ang sarili niya kay Cacai para mapag-usapan. Wala kasing projects si Ahron – as in bagsak ang career. Kaya they formed a loveteam and wherever Cacai was nandoon din si Ahron. Short of saying that Ahron used Cacai para makabalik, aminin!!! No offense meant to you Ahron kasi mahal ka rin namin bilang kaibigan pero sa isyung ito, you don’t blame Cacai for feeling na naging kayo kasi sa nakita namin before, you made us believe too na meron nga kayong relasyon.

Hindi na bago sa amin ganitong kuwento. Tanong ko lang, bakit nu’ng kasagsagan ng “dates” ninyo ni Cacai ay hindi mo ipinagsigawang wala kayong relasyon? Bakit ngayon ka nagwawala?

Anyway, lesson learned para kay Cacai – huwag masilaw sa kaguwapuhan ng lalaki, minsan ay nakakatanso ang mga iyan. Minsan akala mo ay kayo, iyon pala ay ikaw lang ang nakakaalam. Baklang-bakla, di ba Cacai? Ha! Ha! Ha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending