AlEmpoy lumebel sa tagumpay nina Angelica, Uge, Jen at Heneral Luna
KUMIKITA ang pelikulang “Kita Kita” nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez na idinirek ni Sigrid Andrea Bernardo produced ng Spring Films at distributed ng Viva Films.
Sa unang araw ng pelikula sa mga sinehan ay hindi pa kinakagat ng mga tao ang tambalang AlEmpoy dahil feeling nila ay hindi naman bagay na loveteam sina Alessandra at Empoy. Nasanay nga kasi ang mga Pinoy na kapag romantic comedy film, dapat guwapo at maganda ang bida.
Totoong mahirap paniwalaan na click ang AlEmpoy loveteam kung hindi mo napanood ang “Kita Kita” kaya payo namin sa mga hindi naniniwala, e, panoorin ninyo ang pelikula para malaman ninyo ang kasagutan. Sa katunayan ipinalalabas na sa 150 theaters ang pelikula kaya masasabi naming “may himala” talaga.
Bagama’t hindi nag-soldout ang “Kita Kita” sa ilang sinehan ay mas malakas naman ang pelikula kaysa sa kasabayan nitong dalawang foreign movie. Mukhang mali ang prediction ng ilang movie producers at theater owners sa pelikula dahil bigla nga itong pinilahan ng publiko nang kumalat na ang balitang napakaganda ng movie.
Ganito rin ang nangyari sa mga pelikulang “Here Comes The Bride” nina Angelica Panganiban at Eugene Domingo, “Heneral Luna” ni John Arcilla at “English Only Please” nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay na kulelat sa box-office noong mga unang araw ng pagpapalabas nito pero dahil sa word of mouth ay biglang humataw sa takilya.
Sabi nga ng isa sa Spring Films producers na si Erickson Raymundo, “It exceeded our expectations.
Lakas ng word of mouth, people are tweeting and posting about it. Even celebrity endorsements are all organic. And big help the good reviews from film enthusiasts and critics.”
Paulit-ulit naming babatiin ang Springs Films/Viva Films, AlEmpoy loveteam at si Direk Sigrid na muli kaming pinahanga pagkatapos ng “Ang Huling Cha Cha Ni Anita.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.