Quantcast

Charo pinatunayan kung gaano kalabs ang KathNiel

By

“SERYOSO, bampira si Ma’am Charo (Santos-Concio) sa La Luna Sangre?” Ito agad ang naitanong namin nang pumasok na ang karakter ni Albert Martinez sa serye bilang si Professor Theodore Montemayor.

Isa siyang moonchaser at nang sabihin nga niya sa grupo ni Tristan (Daniel Padilla) na ang mga bampira ngayon ay may mga posisyon na sa gobyerno at ipinakita ang litrato ng dating presidente ng Kapamilya network.

Nag-trending at nag-viral ang eksenang ‘yun, napakaraming reaksiyon mula sa netizen tungkol sa pagiging bampira ni Ma’am Charo ang nabasa namin. Napaisip kami kung seseryosohin ba ito ng produksyon o hanggang picture lang talaga ang award-winning actress sa LLS.

Sabi naman ng KathNiel fans pinatunayan lang daw ni Ma’m Charo na mahal na mahal talaga niya ang KathNiel dahil napapayag siyang gamitin ang kanyang litrato sa isang eksena sa serye.

Hmmmm, may eksena nga kaya si Ma’am Charo sa serye bilang bampira? ‘Yan ang dapat nating abangan.

Samantala, nag-viral at trending din ang bagong anyo at bagong pangalan ni Malia (Kathryn) bilang si Miyo na nagpanggap na lalaki para hindi masundan at makilala ni Supremo (Richard Gutierrez) at ng mga alagad nitong bampira.

q q q

“Panoorin mo lahat ng shows ngayong gabi sa ABS!” Ito ang mensahe sa amin ni Sylvia Sanchez noong Biyernes habang nasa labas kami.

Binalikan namin ng tanong ang aktres kung anong mayroon pero hindi na kami sinagot pa ni Ibyang kaya dedma na kami.

Iyon pala, first appearance ni Sylvia sa La Luna Sangre. Level sila ni Ma’am Charo Santos sa unang episode nila sa fantaserye nina Daniel at Kathryn?

Anyway, gaganap si Ibyang bilang tindera ng mais na si Dory at asawa niya si Dennis Padilla as Berto na hindi nabibiyayaan ng anak kaya nag-ampon sila at pinangalanang sina Kuto, Lisa at isa pang bata para may katulong na rin sila sa kanilang negosyo.

Dahil may atraso si Kuto kay Malia kaya isinama niya sa bahay nila ang dalaga na nagpanggap bilang si Miyo.

Dahil siksikan na sila sa bahay at hirap din sa buhay kaya hindi pumayag noong una ni Dory pero dahil sa awa nang makitang natulog sa labas ng bahay nila si Miyo ay pinatuloy na rin niya ito.

Si Dory ang magiging adoptive mother ni Malia/Miyo at posibleng ikuwento ng huli kung ano ang sikreto niya at kung bakit siya nagpapanggap na lalaki. At siguradong madadamay ang pamilya nina Dory sa paghahasik ng lagin nina Supremo.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement