Album ni Maymay gold record agad: Nakakabaliw talaga ang pagsuporta n'yo sa akin! | Bandera

Album ni Maymay gold record agad: Nakakabaliw talaga ang pagsuporta n’yo sa akin!

Reggee Bonoan |June 28,2017
facebook
share this

Album ni Maymay gold record agad: Nakakabaliw talaga ang pagsuporta n’yo sa akin!

Reggee Bonoan - June 28, 2017 - 12:05 AM

CURIOUS kami sa self-titled debut album ni Pinoy Big Brother Lucky Season 7 Big Winner Maymay Entrata. Wala pa kasing isang linggo ay na-hit na nito ang Gold Record award mula sa Star Music.

Agad naming hinanap sa YouTube ang “Maymay” album, at in fairness, may boses naman pala ang dalaga at nagustuhan namin ang duet nila ng ka-loveteam niyang si Edward Barber na “Baliw”, pati na rin ang “Kabaduyan”, “Dear Future Husband” at iba pa. Kaya may K naman pala itong makabenta ng 10,000 hanggang 15,000 copies.

Napanood din naming sumayaw si Maymay at muli, napabilib na naman kami ng dalagang ito dahil effortless siyang mag-perform. Parang matagal na niyang ginagawa ang pagsasayaw o baka may experience na talaga siya sa dancing kahit noong bata siya.

Hindi namin natutukan ang kuwento ng buhay ni Maymay noong nasa loob pa siya ng Bahay ni Kuya kaya wala kaming masyadong ideya tungkol sa kanya. Maliban sa sobrang crush niya si Enrique Gil na talagang natulaley ang dalaga at halos mapaiyak pa nang makita nang personal ang aktor noong dumalaw sa PBB house.

Anyway, hindi rin inaasahan ng dalaga na makaka-Gold record agad ang album niya kaya naman panay ang pagpo-post nito ng pasasalamat sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

Una munang nabanggit ni Maymay sa kanyang panayam sa ABS-CBN, “Noon po kasi parang pa char-char lang na-compose, compose at pagkanta pero ngayon bigla na ibinigay sa akin. Masayang-masaya po ako sobra talaga, lalo na sa mga na-inspire sa buhay ko talaga, kaya natupad din ‘yung mga ultimate dreams ko din.”

Narito pa ang isa sa mensaheng ipinost ng dalaga sa IG, “Walang imposible! maraming salamat po sa nakakabliw n’yong suporta po at sa tulong din po ng @starmusic Sir @roxy.liquigan, Sir @jonathanmanalo. Kung ano ang naabot ko, ito’y Para sainyo. Mahal na mahal ko kayo.”

Bumaha rin ng magagandang mensahe sa social media account ni Maymay mula sa kanyang mga fans na masaya para sa tagumpay ng unang album niya.

Ayon kay @azylujrodag, “Nawindang ako sa balita ng star music gold in one day ang album mo my cute little ice ikaw lang ata ang Nakagawa nito; bumaha talaga ang suporta at pagmamahal sa iyo all over the world but you are truly deserve it my cute little ice.

“Two goals down more to come because you inspire & move every humans heart in mysterious ways; just keep on moving but stay humble always; now you reap the fruit of being kind & hardworking lady!

Keep the faith & keep safe. To all who love our dear MAYMAY THANK YOU SO MUCH & To GOD be the GLORY!!!! love you so much my cute little ice.”

Sabi naman ni @geabonotan, “Wow congrats maymay.”

Post ni @marievhee, “Congrats mayang, love you so much!”

Mensahe naman ni @mayward_maimai, “Congrats bebe girl. You deserve it.”

Hindi na namin isinama pa ang iba, pero umabot na sa 34,476 likes ang pinost ni Maymay na litratong hawak niya ang Gold Record award na ibinigay sa kanya sa ASAP. Bukod dito ay number one rin ang album ng dalaga sa Itunes top album chart.

Singer-performer si Maymay kaya hindi na kami magtataka kung maging in-demand siya sa out of town at out of the country shows. Sabagay nabanggit na rin sa amin na marami na raw natatanggap ang Star Music na inquiries sa dalaga mula sa ibang bansa.

At isa pang edge ng dalaga ay mukhang marunong din siyang umarte dahil kinuha na rin siya ng Star Creatives para makasama sa seryeng La Luna Sangre bilang kapatid ni Daniel Padilla na may diperensiya sa mata. Makakasama rin niya rito si Edward bilang kanyang kapartner.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod sa LLS ay may ginagawa ring pelikula ngayon sina Maymay at Edward, ang “Loving In Tandem” kasama sina Kisses Delavin at Marco Gallo mula sa Star Cinema.

Congrats Maymay! Sana hindi ka magbago kahit super sikat ka na!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending