Dennis sa kasal nila ni Jennylyn: Marami pang kailangang ayusin! | Bandera

Dennis sa kasal nila ni Jennylyn: Marami pang kailangang ayusin!

Ervin Santiago |June 18,2017
facebook
share this

Dennis sa kasal nila ni Jennylyn: Marami pang kailangang ayusin!

Ervin Santiago - June 18, 2017 - 12:05 AM

PAREHONG swerte ngayon sa kanilang mga career sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo. Humahataw sa ratings game ang mga primetime series nilang Mulawin vs Ravena at My Love From The Star.

Kahit na nga may kanya-kanya silang ka-partner sa kanilang mga programa ay tanggap pa rin sila ng manonood. Magaganda ang review sa Mulawin vs Ravena ni Dennis habang gumagawa ang sariling ingay ang tambalan nina Jen at Gil Cuerva bilang sina Steffi at Matteo sa MLFTS.

Kaya naman nagpapasalamat ang magdyowa sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa kanila. Magaan lang kasi ang relasyon nina Jen at Dennis kaya siguro tuloy lang ang pagdating ng swerte sa kanila.

Kamakailan, nakachika ng ilang entertainment press si Dennis kung saan tinanong nga siya kung napag-uusapan na ba nila ni Jen ang pagpapakasal, “Sa isang relasyon naman natural lang na napag-iisipan na rin ‘yan, pero yung pagpaplano, malaking bagay kasi ‘yan.

“Maraming kailangang ayusin, matagal na pagpaplano. Wala namang pumipigil. Siyempre naghihintay lang kami na maging ready na ang isa’t isa.

“Hindi naman financially. Siguro emotionally, siyempre physically. Hindi naman biro yung pagpaplano ng ganyang mga klaseng upgrades sa buhay,” ang paliwanag ni Dennis na patayan din ang taping para sa Mulawin vs Ravena dahil halos lahat nga ng episodes ng fantaserye ay kasama siya.

Hirit pa ni Dennis, “Ang importante mag-enjoy kayo sa present para mas maging malinaw sa ‘yo ang future.”

Close na rin daw ang anak niyang si Calix kay Jen kaya wala na siyang mahihiling pa sa kanyang personal life ngayon, “Alam na niya (relasyon kay ennylyn). Kasi nakikita niya happy naman ako.” Si Calix ay anak ni Dennis sa kanyang ex-girlfriend na si Carlene Aguilar.

Samantala, maraming-marami pa raw kailangan abangan ang manonood sa pagpapatuloy ng kuwento ng Mulawin vs Ravena lalo na sa karakter niya bilang Gabriel, isang taong naging Ravena na naging Hari ng Halconia. Tutukan ang gagawin niyang paghihiganti sa lahat ng nagkasala sa kanya.

Kasama pa rin sa serye sina Regine Velasquez, Ariel Rivera, Roi Vinzon, Heart Evangelista, Lovi Poe, Kiko Estrada, Chynna Ortaleza, TJ Trinidad, Winwyn Marquez, Martin del Rosario, Bea Binene, Derrick Monasterio, Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Angelu de Leon, Bobby Andrews at marami pang iba, sa direksyon nina Dominic Zapata at Don Michael Perez.

Saksihan ang marami pang maaaksyon at madadramang kaganapan sa Mulawin vs Ravena sa GMA Telebabad after 24 Oras.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending