TV executive pinagtawanan ng mga reporter ang emote sa isang event | Bandera

TV executive pinagtawanan ng mga reporter ang emote sa isang event

Reggee Bonoan - May 31, 2017 - 12:15 AM

TALK of the town pala ang pakiusap ng TV executive sa kilalang blogger na kausapin ang publicist ng isang event para sa isang kilalang personalidad na dumating sa Pilipinas kamakailan.

Sa isang showbiz event ay nagkakatawanan at napapailing ang mga katoto at ilang bloggers habang ikinukuwento ang pakiusap ng TV executive sa kasamahan sa trabaho na ibulong sa kilalang publicist na magpa-picture sa kilalang personalidad sa mga artistang labis ang paghanga sa kanya at tatanawin daw itong malaking utang na loob.

Hirit ng kausap namin, “Ano naman ang powers ni ________ (blogger na pinakiusapan), e, invited lang din siya sa event? Hindi naman sila ganito (muwestrang close) nu’ng PR. Nakakaloka siya, bakit hindi na lang siya ang lumapit, e, mas may power siya dahil dala niya ang pangalan ng network.”

E, teka, bakit kasi kailangang magpa-picture pa nu’ng mga artista nila du’n sa bisitang personalidad? “E, idol daw saka alam mo na, feeling close.”

E, sana nag-photobomber na lang yung mga artista nila sa mga pa-pictorial ng kilalang personalidad na dumating sa bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending