MayWard handa nang sumabak sa shooting ng 'Loving In Tandem' | Bandera

MayWard handa nang sumabak sa shooting ng ‘Loving In Tandem’

Ervin Santiago |May 25,2017
facebook
share this

MayWard handa nang sumabak sa shooting ng ‘Loving In Tandem’

Ervin Santiago - May 25, 2017 - 12:10 AM

maymay entrata at edward barber

NGAYON pa lang ay atat na atat nang mapanood ng sandamakmak na MayWard fans ang kauna-unahang pelikula nina Maymay Entrata at Edward Barber.

Talagang nawindang ang Twitter world nang i-announce na ng Star Cinema na magsisimula nang mag-shooting sina Maymay at Edward para sa pelikulang “Loving In Tandem” kung saan makakasama rin nila ang kanilang kapwa housemates noon sa PBB

Lucky Season 7 na sina Kisses Delavin at Marco Gallo o mas kilala bilang KissMarc.

“It’s a very funny rom-com about two brothers and two best friends. The movie is all about them stealing each other’s hearts,” ani Kisses sa panayam ng ABS.

Ayon naman kay Edward, challenging ang role niya sa “love square” (hindi raw love triangle) movie na ito. Singit naman ni Maymay, “Ako naman magnanakaw ng puso. Ha-hahaha! Hindi po kapani-paniwala pero masipag at madiskarte po ako rito.”

Isang masayahing guy naman ang magiging role ni Marco sa movie habang sabi naman ni Kisses, “Ako naman po ang forever beauty queen ng Quiapo.”

Sasabak muna sa acting workshop ang apat na bagets bago sumalang sa shooting ng movie na ididirek naman ni Giselle Andres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending