Gil Cuerva game na game sa hubaran; bumigay agad sa shower scene | Bandera

Gil Cuerva game na game sa hubaran; bumigay agad sa shower scene

|May 21,2017
facebook
share this

Gil Cuerva game na game sa hubaran; bumigay agad sa shower scene

- May 21, 2017 - 12:05 AM

JENNYLYN MERCADO AT GIL CUERVA

JENNYLYN MERCADO AT GIL CUERVA

GAME na game ang bagong Kapuso hunk na si Gil Cuerva sa pagpapaseksi. Si Gil ang bagong ka-loveteam ni Jennylyn Mercado sa bagong primetime serye ng GMA na My Love From The Star.

Sa trailer ng serye, ipinakita si Gil habang nagsa-shower kung saan kitang-kita ang kanyang makisig na katawan. In fairness, naghiyawan talaga ang entertainment press nang makita ang binata sa eksenang naliligo siya exposing his abs and muscles.

Sa presscon ng My Love From The Star, sinabi ni Gil na walang problema sa kanya ang pagpapakita ng katawan, sanay na naman daw siyang rumampa nang nakahubad kaya hindi naman siya nahirapang gawin ang mga eksenang kailangan siyang maghubad.

“Hindi naman big deal sa akin yung mag-topless or mag-underwear lang sa mga scenes na ginawa ko sa My Love From The Star kasi exposed naman ako sa mga fashion show. I had some projects where I had to wear underwear,” ani Gil nang makachika namin sa media conference ng My Love From The Star.

Sigurado kaming hahataw agad sa ratings game ang MLFTS dahil sa dami ng mga girls at bading na tututok sa programa dahil kay Gil na gaganap bilang si Matteo Domingo na mai-in love sa karakter ni Jen bilang si Steffie Chavez na isang sikat na sikat na artista.

Refreshing ang aura ni Gil at masarap kausap, lahat nga ng tanong ng mga reporter ay talagang game na game niyang sinagot. Wala siyang kaarte-arte kaya nag-enjoy talaga kami at ang ilang colleagues sa pakikipag-usap sa kanya.
Alam naman ng lahat na ang role niya sa serye ay unang inalok kay Alden Richards, at aniya, big deal para sa kanya na siya ang napili ng GMA na mag-portray sa role ni Matteo na dapat sanay para sa Pambansang Be.

“At that time na nag-audition ako, may certain reservations ako, kasi this is very uncertain, di ba? Walang assurance na makukuha ko ang role.

“But now, it’s all been very worth it. Hopefully, this is something I do well. Sana magustuhan ng viewers yung mga ginawa namin sa project na ito,” sabi ni Gil.

Dugtong pa ng binata, “Ayaw ko naman na ‘yung reputation mo is sikat ka, guwapo ka, pero ang pangit mong umarte. I want to get good at acting para naman maganda ang reputation. Not just an actor, hopefully, but also as a director, cinematographer.

“Producer maybe, it all depends on my output, my working attitude, the way I handle myself in situations. I’ll do my best to stay long because this is something that I want. Sana huwag akong mapahiya sa mga manonood,” pahayag pa ng binatang modelo.

Actually, bago dumating ang offer ng GMA, talagang balak na niyang mag-stay sa Thailand para sa kanyang modelling career pero nagdesisyon siyang mag-audition para sa role ni Matteo.

“Sabi ko, try lang and let’s see where it goes. So yun, I had to sacrifice yung pagmo-model ko sa Thailand. Actually, modelling, as a whole, nasa-sacrifice ko dahil ito na yung focus ko,” aniya pa.

Pahabol pa ni Gil, “Anything I’ve done for this has been worth it. Ang pag-sacrifice ko ng modelling sa Thailand, it’s 100 percent worth it.”

Dugtong pa ng binata, “Sobrang honored ‘yung feeling siyempre si Matteo from My Love From The Star he’s a very popular character, ngayon naman ako ‘yung Matteo Do ng Philippines. I guess ‘yun nga it’s a huge honor, huge blessing.”

Feeling blessed din siya na makatambal si Jennylyn sa una niyany serye, “Sino ba naman who doesn’t find Jennylyn [Mercado] attractive. Siyempre ako, included much like everybody else. We all find Jennylyn very attractive, very beautiful.”
Ayon pa sa bagong ka-loveteam ni Jennylyn, nagpapasalamat siya na hindi siya binash o inaway ng mga fans ni Alden dahil sa pagkakapili sa kanya sa nasabing project, “I guess wala masyado (nam-bash), kasi may teleserye si Alden at saka si Maine (Mendoza), yun ang focus nila ngayon.”

Magsisimula na ang My Love From The Star sa May 29 sa GMA Telebabad kapalit ng Destined To Be Yours nina Maine at Alden. Makakasama nina Jen at Gil dito sina Rhian Ramos, Gabby Eigenmann, Renz Fernandez, Jackie Rice, Christian Bautista, Glydel Mercado, Melissa Mendez, Starstruck winner Migo Adecer, Nar Cabico, Moi Marcampo, Pauline Mendoza at Valentin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito’y sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal at mapapanood na sa GMA Telebabad pagkatapos ng Mulawin vs Ravena.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending