Direktor magaling mambola ng producer kaya laging may pelikula

By Reggee Bonoan May 19,2017
share this

Direktor magaling mambola ng producer kaya laging may pelikula

By Reggee Bonoan May 19,2017
share this

BLIND ITEM MALE 0513

TAKANG-TAKA ang ilang katoto kung paano nakakabola ng producers ang direktor na out of this world ang mga pelikula at hindi matagalan ng mga manonood.

Ayon sa isang katoto, “E, kasi art film nga raw, e, hindi naman kasi ginagaya kasi nitong direktor ‘yung mga premyadong direktor na may awards sa ibang bansa na foreigners din lang ang nakaka-appreciate.

“Itong si direk, nagpapaka-art, e, sablay naman lahat ng pelikula, wala nga yatang kumitang pelikula, eh.  Kaya ang suwerte niya kasi may mga nabobola siyang producers.  Paano kaya niya naibebenta ang sarili niya?” tanong ng aming kausap.

Pagtatanggol naman ng katotong malapit sa direktor, “Hayaan na at maraming natutulungan na magkaroon ng trabaho.”

“E, paano ‘yung bulsa ng producers, butas naman,” hirit naman ng mataray na kolumnista.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending