Kim isinugod na naman sa ospital | Bandera

Kim isinugod na naman sa ospital

Ervin Santiago |May 13,2017
facebook
share this

Kim isinugod na naman sa ospital

Ervin Santiago - May 13, 2017 - 12:15 AM

GERALD ANDERSON AT KIM CHIU

GERALD ANDERSON AT KIM CHIU

NAG-ALALA ang mga tagasuporta at social media followers ni Kim Chiu nang mabalitang nasa ospital na naman ang Chinita Princess.

Nag-post kasi ng litrato niya si Kim sa kanyang Instagram Stories habang nasa ospital kaharap ang isang doktor na tila may ini-inject sa kanyang kamay. Nilagyan niya ito ng caption na: “Here we go again.”

Hindi sinabi ng leading lady ni Gerald Anderson sa daytime serye ng ABS-CBN na Ikaw Lang Ang Iibigin kung bakit siya naospital at kung ano ang naging sakit niya.

Ayon sa isang netizen, ito na raw ang ikatlong pagkakataon na naospital ang dalaga sa loob lang ng limang buwan. May mga followers si Kim na nagsabing baka raw pinapatay na nito ang kanyang katawan sa sobrang pagtatrabaho.

Sey ng isang loyal fan ng Kimerald na nabahala sa pagkakaospital ni Kim, “Oh my! Again? Please take care, Kimmy!”

Komento naman ng isang netizen, “Hoping nagpapahinga na si @prinsesachinita ngayon. You deserve a rest Kim Chiu…Huwag masyado sagarin ang sarili!”

“Baka naman…iisa lang ang body natin Ms. Kim, huwag nating abusuhin dahil tayo rin ang kawawa sa huli. Bata ka pa! At marami pa kayong pagsasamahang project ni Ge!”

Dahil super nag-aalala na talaga ang kanyang fans, nag-post ng isang video message ang dalaga kung saan sinabi niyang okay na siya at wala nang dapat ipag-alala. Medyo gumagaling na raw ang pagkamaga ng kanyang mga mata. Ngunit hindi pa rin nito idinetalye kung bakit nagkaganu’n ang kanyang mata.

Ang paniniwala ng ilan niyang followers, baka raw na-allergy na naman ang dalaga. Kung matatandaan, naospital din last year (December) ang Kapamilya star habang nagbabakasyon sa Hong Kong matapos ma-allergy.

Samantala, patuloy na tinututukan ng madlang pipol ang daytime serye nina Kim at Gerald na Ikaw Lang Ang Iibigin kung saan kasama rin nila sina Jake Cuenca at Coleen Garcia.

Nakakuha nga ang serye ng national TV rating na 15.7%, kumpara naman sa katapat nitong programa na nakakuha ng 10.4%. Naging usap-usapan din sa social media ang muling pagtatagpo ng mga karakter nina Kim at Gerald matapos manguna sa trending topics ang official hashtag ng palabas na #ILAIMulingPagkikita.

Mas tumitindi na ngayon ang takbo ng kuwento nina Bianca (Kim) at Gabriel (Gerald) na unti-unti nang nagkakalapit muli matapos magkalayo nang ilang taon. In fairness, marami kaming nabasang reaksyon ng manonood na kilig na kilig sa mga huling eksena ng dalawa, lalo na ‘yung bibigyan na ni Gabriel ng bulaklak si Bianca.

Pero siyempre, umeksena na naman si Carlos (Jake) at patuloy ang pagpapa-cute kay Bianca. Mukhang gagawin din nito ang lahat para makuha ang dalaga at siguradong hindi siya magpapatalo sa isang tulad lang ni Gabriel. Gustung-gusto ng mga manonood ang dialogue ni Gerald laban kay Jake na, “Tandaan mo ‘yan, magkikita rin kami sa finish line!”

Kaya ang dapat abangan ay ang mga gagawin nina Gabriel at Carlos para lang mapasagot si Bianca. Kailangan n’yo ring tutukan ang mga hugot moments ng iba pang pangunahing karakter sa kuwento tulad nina Michael de Mesa bilang si Roman dela Vega at ang asawa niyang si Victoria played by Ayen Munji-Laurel na napapraning na dahil sa mga itinatago niyang lihim.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi n’yo kakayanin ang mga susunod na eksena nila ni Bing Loyzaga na gumaganap naman bilang si Maila, ang nanay ni Bianca, na walang kaalam-alam kung sino talaga ang tunay niyang mga kaaway.
Kaya huwag na huwag palalampasin ang bawat episode ng Ikaw Lang Ang Iibigin directed by Dan Villegas, bago mag-It’s Showtime sa ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending