2 showbiz personality 'naghiwalay' na, malaking iskandalo napigilan | Bandera

2 showbiz personality ‘naghiwalay’ na, malaking iskandalo napigilan

Ronnie Carrasco III |May 01,2017
facebook
share this

2 showbiz personality ‘naghiwalay’ na, malaking iskandalo napigilan

Ronnie Carrasco III - May 01, 2017 - 12:01 AM

 

blind item

NOT necessarily a blind item.

Tunay ngang walang sigalot that cannot be resolved amicably. Kapwa nabunutan ng tinik ang dalawang personalidad na ito who’ve reached the proverbial end of the road after arriving at a mutual (nga kaya?) decision na tuldukan na ang kanilang professional relationship.

Sa parte ng isa roon who had to act more civilly in a precarious situation, hindi naging madali ang sabihing it’s over. Maraming taon din naman kasi ang kanilang pinagsaluhan, idagdag pa ang malaking naitulong ng kabilang partido sa kanyang noo’y bubot na career until it flourished.

Sa isang mahinahong usapan nila kapwa idinaan ang kanilang paghihiwalay. For sure, nagkaiyakan pa sila as shedding tears of goodbye is always a staple scene in emotionally charged separations.

At least, maganda at malinaw ang kinahantungan ng kanilang seryosong pag-uusap which prevented what could have been today’s biggest showbiz headline.

Inaasahan na kasing mag-aalburoto ang isa sa kanila, releasing a volley of his sacrifices na tila nakalimutan na, worse, basta na lang ibinasura at the drop of a hat.

Du’n na kasi maaaring maglitanya ang mas nakatatandang partido ng kawalan ng utang na loob ng kabila whom he suspects is being brainwashed by people closely identified with her pero mga wala namang alam sa pagpapatakbo ng showbiz career.

Ewan if the older party has seen their separation coming. May pahiwatig ba ang mga bituin, o ang mga baraha? One filled with spiritualism, ipinaramdam ba ito sa kanya ng mga sugo ng langit?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending