Quantcast

Young singer-actress negang-nega dahil sukdulan ang kaartehan at kayabangan

By

BLIND ITEM FEMALE 0415

PALAGING sentro ng mga kuwentuhan sa isang malaking bakuran ang hindi kagandahang attitude ng isang young singer-actress. Kahit ang mga katrabaho niyang production staff ay walang masyadong masasabing maganda tungkol sa kanya.

Hindi pa man, sabi ng mga miron, ay maangas na agad ang young singer-actress, may kakaiba nang ugali, kaya naman hindi siya masyadong type ng mga nakakasama niya sa raket.

Maagang naging feelinggera ang girl, akala yata niya’y sikat na sikat na siya, samantalang napakarami pa niyang isasangag na kanin para marating niya ang kanyang pangarap.

“Hindi lang sa set ng isang palabas ganyan ka-feeling ang babaeng ‘yun! Kahit saan, ang pakiramdam niya, e, napakalayo na ng nararating niya.

“Sino kaya ang nagbubulong sa kanya na sikat na siya, kaya ganyan na lang siyang umasta?

Paimportante ang babaeng ‘yun, sobra! Member din siya ng simangot society na pagdating pa lang niya sa work place niya, e, akala mo na siya may naaamoy na kung anong mabaho sa pagsimangot!” unang kuwento agad ng aming source.

Di ba’t nainis sa kanya ang isang team na namamahala sa shoot ng isang TVC? Nasa studio na ang mga kasama niyang endorser ng isang produkto pero ang girl, kinailangan pang sunduin nang ilang ulit sa dressing room, na para bang siya ang bumibida sa shoot?

“Feelinggera talaga siya, nagpapaniwala kasi siya sa mga papuri ng mga fans kuno niya. E, teka lang muna, kung talagang sikat na siya, e, bakit semplang naman ang mga palabas niya?

“Bakit napakadaling tinigbak ang seryeng ibinigay sa kanya ng network nila? Bakit hindi maumpisahan nang maaga ang live concert niya? Nasaan ang mga ipinagmamalaki niyang supporters kung totoong sikat na siya?

“Naku lang, ha, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, napakapalasak ng name niya. Palaging pangalan ng kung anu-anong bayan sa iba-ibang probinsiya ang apelyido niya, sa totoo lang!” pagtatapos ng aming impormante.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement