Aktres nawalan ng bonggang project dahil sa kamalditahan | Bandera

Aktres nawalan ng bonggang project dahil sa kamalditahan

Reggee Bonoan |March 24,2017
facebook
share this

Aktres nawalan ng bonggang project dahil sa kamalditahan

Reggee Bonoan - March 24, 2017 - 12:05 AM

BLIND ITEM FEMALE 0429

SUMUSUMPA ang kausap naming nanay na tiningnan lang ng kilalang aktres ang anak nang mag-request silang magpa-picture nu’ng minsang dumalaw sila sa show nito sa isang TV network.

Gustung-gusto raw kasi ng anak ng nakausap naming nanay ang kilalang aktres (na kilala sa pagiging mataray) kaya sinamahan ang anak para manood ng show.

At nang makita ng anak ang kilalang aktres ay niyaya ang nanay para kunan sila ng picture at kaagad namang nagpaalam ang mag-ina, pero tiningnan lang daw sila ng nasabing personalidad sabay alis. Natulala ang mag-ina sa ginawa ng kilalang aktres.

“Okay pa sana kung nagsabing ayaw niyang magpakuha, baka maintindihan ko pa, pero ‘yung tiningnan lang ang anak ko sabay alis, ano ‘yun? Ngayon na ako naniniwalang hindi maganda ang ugali niya.

“Noong una, akala ko sinisiraan lang siya, panay pa nga ang tanggol namin ng anak ko, e, ngayong naranasan ko na, totoo pala talaga,” kuwento ng ina sa amin.

Sa kabilang banda, nakaganda rin daw ang pambabastos ng kilalang aktres sa mag-ina dahil, “At least puwede ko nang sabihin sa asawa ko na huwag siyang kuning endorser, plano pa naman ng kumpanya nilang kunin ang babaeng ‘yun.”

Ang asawa ng nanay na pinakitaan ng hindi maganda ng kilalang aktres ay Vice President for Marketing sa kilalang kumpanya ng mga LED bulbs at halos lahat ng naging endorsers nila ay sikat at malalaki ang talent fee.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending