Star Magic artists naghahanda nang sumugod sa US at Canada para paligayahin ang mga OFW | Bandera

Star Magic artists naghahanda nang sumugod sa US at Canada para paligayahin ang mga OFW

Reggee Bonoan - February 16, 2017 - 12:05 AM

liza soberano at enrique gil

MAGIGING busy ngayong 2017 ang mga talent ng Star Magic dahil sa mga proyektong naka-line up para sa kanila.

Kahapon, ibinalita namin sa inyo ang mga nakatakdang gawin ng mga pambatong Kapamilya loveteam ngayong taon, pati na rin ang naging panayam ng entertainment media sa mga pioneer ng Star Magic (dating Talent Center) tulad nina Piolo Pascual, Jericho Rosales, John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Jodi Sta. Maria at Angelica Panganiban.

Ayon sa mga ito, wala silang kabalak-balak umalis ng Star Magic dahil kuntento at masaya naman sila sa pag-aalaga sa kanila ng mga bossing ng ABS-CBN, partikular na ang “tatay” nilang si Johnny Manahan o mas kilala bilang si Mr. M.

At sa pagpapatuloy nga ng aming mga ibinalita kahapon sa naganap na thanksgiving presscon ng Star Magic para sa selebrasyon ng kanilang 25th anniverary, sunud-sunod na ang mga projects at events na magtatampok sa mga Kapamilya artists.

Bukod sa reunion teleserye nila ng ex-girlfriend na si Kim Chiu, ang Ikaw Lang Ang Iibigin with Jake Cuenca, pasok din si Gerald Anderson bilang Philippine representative sa gaganaping Los Angeles Marathon sa Marso 19.

Magkakasama naman sina Piolo, Matteo Guidicelli at Ivan Carapiet sa annual Ironman 70.3 sa Cebu ngayong Agosto.
May concert major si Erik Santos sa The Theatre Solaire sa Abril 7 na siya rin mismo ang magdidirek.

Mapapanood naman sina Piolo, Sam Milby, Liza Soberano, Enrique Gil, Kim Chiu, Janella Salvador, Rayver Cruz, Darren Espanto, Robi Domingo, Eric Nicolas at Bea Alonzo sa Star Magic tours courtesy of The Filipino Channel na magsisimula sa Tampa, Florida (Abril 8); Vancouver, Canada (ABril 9); at San Francisco (Abril 15).

At siyempre, ang pinakahihintay ng lahat ng supporters ng Kapamilya talents ay mangyayari sa Mayo 21 sa Grand 25th Star Magic Anniversary Celebration sa Smart Araneta Coliseum.

Ngayong Mayo rin ipalalabas ang biopic ni Gregorio del Pilar na “Goyo: Ang Batang Heneral” mula sa TBA Productions na pinangungunahan ni Paulo Avelino kasama sina Aaron Villaflor at Jason Abalos. Kailangan ding abangan ang launching movie ni Sofia Andres na may titulong “Yaying.”

Sa Set. 9 magaganap ang ika-11th Star Magic Ball na gaganapin sa Makati Shangri-La Hotel kasabay ng launching ng digital version ng annual Star Magic Catalogue.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, pinasaya ng grupong Hashtags kasama sina Enchong Dee, Rayver Cruz at Shaina Magdayao ang entertainment press sa kanilang magandang production number. Nagpakitang-gilas din ang Kapamilya leading men sa pangununa nina Gerald Anderson, Ejay Falcon, Jake Cuenca, JC de Vera, Matteo Guidicelli at Sam Milby.

Hindi naman nagpahuli ang mga Star Magic loveteams na sina Daniel Padilla/Kathryn Bernardo; Elmo Magalona/Janella Salvador; Bailey May/Ylona Garcia; Diego Loyzaga/Sofia Andres; Joshua Garcia/Julia Barretto at Ronnie Alonte; Enrique Gil/Liza Soberano.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending