Vhong napaiyak nang matanong kung kailan pakakasalan ang gf | Bandera

Vhong napaiyak nang matanong kung kailan pakakasalan ang gf

Reggee Bonoan - December 23, 2016 - 01:00 AM

VHONG NAVARRO

VHONG NAVARRO

SA grand presscon ng pelikulang “Mang Kepweng The Returns” na pinagbibidahan ni Vhong Navarro ay natanong ang comedian kung kailan siya magpo-propose sa kanyang long time girlfriend.

Ito’y matapos ngang mapabalita ang engagement ng mga kasamahan niya sa It’s Showtime – si Billy Crawford kay Coleen Garcia at si Anne Curtis naman kay Erwan Heussaff.

Katwiran ni Vhong, hindi naman siya nagmamadaling mag-asawa uli dahil nasubukan na naman niyang ikasal noon.

“Twenty-one years old po nu’ng magpakasal ako, kaya lang po, annulled na rin ako kaya tapos na ‘yung round 1. Meron namang round 2 pero soon,” pahayag ni Vhong.

Nagulat na lang ang entertainment press na nasa presscon ng “Mang Kepweng Returns” nang maging emosyonal si Vhong, “May mga bagay na inuna lang sa ngayon, kumbaga ayaw ko pong biglain o walang plano, siyempre itong babaeng kasama ko ngayon ay siya po ‘yung nagmahal sa akin ng buung-buo.

Kaya gusto kong ibigay sa kanya ‘yung pinakamagandang wedding.”

Nagpalakpakan ang lahat dahil garalgal na ang boses ng TV host-actor habang nagkukuwento kung ano ang plano niya para sa future nila ng girlfriend niya ngayon.

“Ang babaeng kasama ko po ngayon ang laging umiintindi sa mga bagay na kailangan kong unahin at alam naman niya ‘yun.

“Natutuwa naman ako na sa lahat ng gusto kong gawin, laging nariyan siya sa tabi ko, buma-back up sa akin, sumusuporta kaya hindi dahil naiinggit at gusto nating gumaya ay gagawin ko na. Sabi ko nga, may timing ang lahat, hindi lang natin alam kung 2017 o sa 2018.

“Gusto ko lang po talaga ay nasa tama dahil ayaw ko nang magkamali, kasi pangalawa na, eh. Kumbaga sisiguraduhin ko na eto na ‘yun at ayoko ng may pumalit pang iba. Gusto ko siya na,” paliwanag ni Vhong.

Samantala, ayon sa komedyante ay blessing in disguise na rin na hindi napasama ang “Mang Kepweng Returns” sa 2016 Metro Manila Film Festival dahil kapag nagkataon ay apat silang comedy films na maglalaban-laban sa filmfest, ang “Septik Tank 2”, “Enteng Kabisote 10” at “The Super Parental Guardians.”

Mas okay na raw ang Jan. 4, 2017 playdate na sumakto pa sa kaarawan ng komedyante.

“Nangyari kami January 4 na nagsosolo kami sa comedy, suspense and fantasy baka po may magandang senyales at nagkataong kaarawan ko pa,” say pa ni Vhong.

Bagama’t hindi naabutan ni Vhong ang komedyanteng si Chiquito na siyang orihinal na gumanap na Mang Kepweng ay pinapanood naman daw niya ang lahat ng pelikula nito at nanghihinayang nga siya na hindi man lang sila nag-abot para magkatrabaho.

“Pinapanood ko po talaga lahat ng pelikula ni Papang (Chiquito) kasi mahilig ako sa magaling sumayaw tulad ni tito Dolphy, si Jim Carrey,” say pa ni Vhong.

At ang isa pang pelikula ni Chiquito na gustong gawin ni Vhong ay ang “Aksyong Aksaya.”

Kinunan din siya ng reaksyon tungkol sa mga pelikula niyang kumita nang husto tulad ng “Da Anothers”, “Mr. Swabe” at iba pa, maliban sa “Buy Now, Die Later” na kasama sa MMFF 2015 na hindi masyadong kumita.

Kaya ang sumunod na tanong kay Vhong kung ano ang pakiramdam niya sa “Mang Kepweng Returns”, “Ako po, ang nagpapalakas ng loob ko ay ang pagdarasal ko.

“Hindi ko po alam kung anong mangyayari kasi ang Diyos lang ang nakakaalam kung anong mangyayari sa buhay natin, kumbaga lahat po sa akin ay iniaalay ko na sa kanya,” paliwanag ng komedyante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod kay Vhong, kasama rin sa pelikula sina Jaclyn Jose, Kim Domingo, Louise de los Reyes, Sunshine Cruz, Juancho Trivino, James Blanco, Pen Medina, Valeen Montenegro, Jhong Hilario, Jackie Rice, Jobert Austria, Balang, Josh de Guzman, Chun Sa, Tuko, Gerhard Acao at marami pang iba mula sa direksyon ni GB Sampedro produced ng Cineko Productions.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending