‘Seklusyon’ ni Erik Matti hindi ginamitan ng special effects | Bandera

‘Seklusyon’ ni Erik Matti hindi ginamitan ng special effects

Reggee Bonoan - December 08, 2016 - 12:30 AM

Direk Erik Matti

Direk Erik Matti

SA SOLO presscon ng direktor ng “Seklusyon” (na official entry din sa MMFF 2016) na si Erik Matti ay tinanong kung bakit pawang mga baguhan o hindi gaanong sikat na artista ang cast ng pelikula.

“Itong project na ito, naisip naming gawin na if we could gather a group of actors that we could launch.
“Ang hirap din kasi ngayon na everyone owning the talents, ang hirap maghanap ng time for the talents, so we wanted actors that we could make use, maybe discover new talents, discover new faces for the industry and we decided to cast sina Ronnie Alonte, Johnvic, Jay R is baguhan din, we decided to try out new names,” kuwento ni direk.

At kahit horror daw ang “Seklusyon” ay hindi nila ito ginamitan ng effects, “Lahat ginamitan namin ng camera at editing para totoo ‘yung nangyayari. We do touch hubs, pero never kaming gumawa ng CG (computer graphics) na character, lumilipad na mga demonyo. We wanted this film to be closed to realism as possible.”

Nagsimula raw mag-shoot ang “Seklusyon” noong Mayo pa at madugo raw talaga ang paggawa ng horror, idagdag pa ang schedule ng ibang cast kaya raw pahintu-hinto ang shooting nila.

“Si Ronnie may Showtime, ang dami naming ipinaalam sa Showtime, we started shooting May and inabot kami until later of July,” kuwento pa ng direktor.

Nagsimula naman daw si Ted Boborol sa pelikulang “Vince & Kath & James” kung saan kasama rin si Ronnie na entry din sa MMFF. Mula raw noon ay segue-segue na si Ronnie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending