Angelica mas trip ang sex kesa sa food! Di bale nang magutom! | Bandera

Angelica mas trip ang sex kesa sa food! Di bale nang magutom!

Ervin Santiago |November 25,2016
facebook
share this

Angelica mas trip ang sex kesa sa food! Di bale nang magutom!

Ervin Santiago - November 25, 2016 - 12:50 AM

ANGELICA PANGANIBAN

ANGELICA PANGANIBAN

TUWANG-TUWA kami sa naging interview ng Tonight With Boy Abunda kay Angelica Panganiban kamakailan, lalo na sa Fast Talk segment.

Siguradong hindi lang kami ang naaliw sa pagiging prangka at totoong-tao ng aktres kundi pati na rin ang lahat ng nakapanood sa episode na ‘yun ng late night show ni Boy Abunda.

Tanong sa Kapamilya actress, “what will a guy do to get your attention,” sagot ng dalaga, “Make me laugh.” Hindi naman pinangalanan ni Angelica kung sino ang gusto niyang makasama kung mabibigyan siya ng chance na makapunta sa kanyang dream destination, aniya na parang hiyang-hiya, “E si ano…!”

Kung meron siyang gustong itanong sa kanyang bashers, ano ‘yun? “Kailan sila makaka-move on sa ganda ko?” Hirap na hirap naman daw siyang sagutin ang tanong na, “Bakit ang ganda ko?”

Ang kanyang ex-boyfriend namang si John Lloyd Cruz ang pipiliin niyang maka-date muli kesa kina Piolo Pascual at Coco Martin. Pero sa tatlong Kapamilya actor, ang pinagnanasahan daw niya ay, “si Papa P.”

Tinanong din siya kung ano ang lasa ng huli niyang relationship, “Pwede bang hindi lasa, pwede bang sabihin kong buffet? Lahat nandu’n na!”

Gustung-gusto rin daw niyang magka-baby pero hindi pa niya ito maisakatuparan sa ngayon.

Pinili ni Angelica ang lights off kesa lights on, sex over chocolates, good sex over good food, sabay dialogue ng, “Di bale nang magutom. Gutuman na ‘to Tito Boy!” Bongga si Angge, di ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending