Matindi ang labanan sa 2016 Cinema 1 filmfest
WALANG gaanong artistang dumalo sa opening night ng C1 Originals Film Festival 2016 noong Linggo ng gabi sa Trinoma Cinema 7 kung saan unang napanood ang “The Wailing”, ang Korean horror film na idinirek ni Na Hong-jin.
Ito’y pinagbibidahan nina Jun Kunimura, Jung-min Hwang at Do Won Kwak.
Kumita ang “The Wailing” sa Amerika na ipinalabas noong Hunyo hanggang Setyembre, 2016.
Samantala, mukhang matindi ang magiging labanan sa C1 Originals filmfest na nagsimula na noong Lunes at tatagal hanggang Nob. 22 na may tagline ngayong 2016 na “Anong Tingin Mo?” na marami raw ibig sabihin ayon kay Cinema One Originals Channel Head na si Ronald Arguelles.
Sobrang nagpapasalamat si Mr. Arguelles sa lahat ng sumuporta sa C1 festivals sa loob ng 12 taon at natutuwa siya dahil dumarami lalo ang gustong makilahok sa nasabing festival.
Kaya naman tinaasan nila ang budget ngayong taon at bawa’t entry ay binigyan nila ng P3 million. Para sa lahat ng gustong manood ng mga pelikulang kalahok, narito ang kumpletong screening schedule.
“Malinak ‘Ya Labi”, sinulat at idinirek ni Jose Abdel Langit starring Allen Dizon and Angeline Quinto: Nov. 17, 12:30 p.m. (Trinoma); Nov. 18, 5:30 p.m. (Gateway); Nov. 20, 3 p.m. (Greenhills); Theater Mall, 8 p.m. (Cinematheque Center Manila); Nov. 21, 3 p.m. (Glorietta).
“Tisay” sa direksyon ni Alfonso Torre na pagbibidahan nina Nathalie Hart, JC de Vera at Joel Torre: Nov. 17, 8 p.m. (Cinematheque Center Manila); Nov. 19 3 p.m. (Cinematheque Center Manila); Nov. 22,12:30 p.m. (Gateway).
“Baka Bukas”, sinulat at idinirek ni Samantha Lee starring Jasmine Curtis at Louise delos Reyes: Nov. 17, 9:15 p.m. (Greenhills Theater); Nov. 18, 12:30 p.m. (Trinoma); Nov. 19, 7:20 p.m. (Gateway); Nov. 20. 2:30 p.m. (Glorietta); Nov. 21,12:30 p.m. (Greenhills Theater); Nov. 22, 6 p.m. (Cinematheque).
“2 Cool 2Be 4Gotten” mula sa panulat ni Jason Paul Laxamana at direksyon ni Petersen Vargas na pagbibidahan nina Khalil Ramos, Ethan Salvador, Jameson Blake, Peewee O’hara, Jomari Angeles, Joel Saracho, Mean Espinosa at Ana Capri: Nov. 17, 10:30 p.m. (Trinoma); Nov. 18, 2:10 p.m. (Glorietta); 7 p.m. (Greenhills Theatre); Nov. 19, 3 p.m. (Gateway)/5:10 p.m. (Glorietta); Nov. 20, 6 p.m. (Cinematheque); Nov. 22 8 p.m. (Cinematheque).
“Every Room is A Planet” sinulat at idinirek ni Malay Javier starring Rap Fernandez, Valeen Montenegro at Antoinette Taus: Nov. 18, 9:30 p.m. (Trinoma); Nov. 19, 5:10 p.m. (Gateway); Nov. 20, 3 p.m. (Cinematheque); Nov. 21, 5 p.m. (Glorietta), 10 p.m. (Greenhills Theater); Nov. 22, 2:40 p.m. (Gateway).
“Si Magdalola at Mga Gago” ni Jules Katanyag starring Peewee O’Hara, Ricky Davao at Rhen Escaño: Nov. 17, 8 p.m. (Cinematheque); Nov. 19, 12 noon (Glorietta); Nov. 21, 5:30 p.m. (Trinoma).
“Lily” muna sa direksyon ni Keith Deligero kasama sina Shaina Magdayao, Rocky Salumbides, with the special participation of Lav Diaz and Eula Valdes: Nov. 19, 6 p.m. (Cinematheque) at 7 p.m. (Trinoma); Nov. 20, 12:30 p.m (Glorietta); Nov. 22, 4 p.m. (Cinematheque).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.