Angelica: Feeling ko, tingin sa akin ng mga lalaki tanga! | Bandera

Angelica: Feeling ko, tingin sa akin ng mga lalaki tanga!

Reggee Bonoan - November 06, 2016 - 12:01 AM

angelica panganiban

SA GINANAP na presscon ng pelikulang “The Unmarried Wife” nina Dingdong Dantes, Paulo Avelino at Angelica Panganiban mula sa Star Cinema ay inamin ng aktres na hindi pa niya natatagpuan ang lalaking pakakasalan niya.

Tinanong si Angelica kung naiisip na ba niyang magpakasal, “Hindi ko alam, ‘teh!”

Pero sa pakiramdam ba niya ay mayroong nakalaang lalaki para sa kanya, “Oo naman. Feeling ko, ang dami nila. Nakaabang. ‘Yung parang, ‘Kailan kaya?’”kaswal nitong sagot.

So, asan na sila? Bakit wala pa? “Eh, iba kasi, eh, iba ‘yung tingin sa akin, eh,” nakangising sabi ng dalaga.

Sa tanong kung ano sa tingin niya ang tingin sa kanya ng mga lalaki, ang mabilis na tugon ni Angelica, “Tanga! Ha! Ha! Ha! Feeling ko lang, pero wala, eh. Sabi nga ni Paulo (Avelino) kumain daw ako sa labas. Bakit naman ako kakain sa labas? Titingin ako ng lalaki?!” kuwento ng aktres.

At nang ulitin ang tanong kung nakikita pa rin ba niyang nagpapakasal someday, “Wala pang nakakapagpaniwala sa akin na kaya kong i-surrender lahat at pagsisilbihan ko siya habambuhay. Siguro kasi ngayon, nasa stage ako na ako lang, ako lang muna. Pagsisilbihan ko muna ang sarili ko, mamahalin ko muna ang sarili ko.

“So, kaya hindi ko pa siguro nakikita na ide-dedicate ko ‘yung sarili ko, hindi ko pa siya kayang ibigay nang buong-buo. Kaya hindi ko pa masagot ‘yung tanong na kaya kong ikasal,” katwiran ni Angelica.

Samantala, maski wala pang asawa ang aktres ay nakaka-relate siya kahit paano sa papel niya bilang Anne sa “The Unmarried Wife”, ang asawa ni Geoff (Dingdong) at magiging kalaguyo ni Bryan (Paulo).

Aniya, “Yung relationship, very relatable na siya dahil hindi ko naman naitago ‘yung mga naging karelasyon ko, open book naman na talagang nagkaroon ako ng boyfriends at heartaches, happiness, breakups, sadness, rainbows, unicorns. Doon naman papasok ’yung lahat ng sakit na nangyari siyempre sa past, eh, nagamit ko naman.”

Natanong din ang tungkol sa sampalan scene nila ni Dingdong sa movie at aminado ang mister ni Marian Rivera na nabingi siya sa lakas ng sampal ng aktres at okay lang daw iyon dahil lumabas na natural ang mga eksena nila.

Tumatawang kuwento ni Angelica, “Kasi dati, ‘pag nakakakita ako (ng sampalan scene), sabi ko lang, ‘Ay, ano ba ’yan?’ Ngayon, may chance ako na sampalin ‘yung karakter ni Geoff (Dong), nasampal ko. Sabi ko, ‘sorry ha, hindi ko kasi nalabas dati.”

May nasampal na ba si Angelica sa ex-boyfriends niya? “Kahit tanungin mo siya (the guy), wala,” natawa nitong sagot. Ang last BF ni Angelica ay si John Lloyd Cruz. Naging karelasyon din niya noon si Derek Ramsay.

q q q

Relate rin ang aktres sa hugot line niyang, “kapag inuulit-ulit ang panloloko ay hindi na ‘yun pagkakamali kundi sakit na” ay totoong nangyari sa kanya.

“Feeling ko. Kasi hindi ka natututo, eh. Saka bakit hindi mo nakikita ‘yung worth ng taong mahal mo? Bakit kailangan laging may iba? Pero hindi naman ito ‘yung tina-tackle namin sa pelikula,” katwiran ng dalaga.

Dugtong pa niya, “Yung katangahan, matatapos din ‘yan. May hangganan ang pagmamahal. Walang forever, mars (mare)!” natawa nitong sagot.

Wala raw talagang forever pagdating sa relasyon pero puwedeng magmahal ng forever ang isang tao sa taong hindi naman siya mahal.

“Pwede ka namang magmahal na mahal mo lang kahit hindi ka mahal. Ikaw, mahal mo lang. So, forever ‘yun, di ba? Forever mo siyang mahal. May forever, may wagas na pagmamahal.”

Nag-celebrate ng kanyang 30th birthday si Angelica nitong nagdaang Biyernes, Nov. 4, pero nu’ng presscon sinabi ng aktres na wala pa siyang plano para sa kanyang kaarawan. Pero ang wish niya, “Well, siyempre obvious naman dahil may pelikulang ipapalabas siyempre du’n umiikot ang mga hinihiling ko ngayon.

“Kaya alam na natin kung anong gusto kong mangyari, di ba? Ang birthday plans ko wala, pahinga lang. Wala pang definite na plano. Private celebration lang, mga gusto kong kasama mga taong masasaya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

lang kasama di ba? Tuloy tuloy lang ang trabaho. Malapit na kaming ipalabas kaya work, work, work!” pahayag pa ng aktres.

Anyway, sa Nob. 16 na mapapanood ang “The Unmarried Wife” handog ng Star Cinema sa direksiyon ni Maryo J delos Reyes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending