Kim, Robi may kakaibang landian sa Showtime | Bandera

Kim, Robi may kakaibang landian sa Showtime

Ambet Nabus |November 06,2016
facebook
share this

Kim, Robi may kakaibang landian sa Showtime

Ambet Nabus - November 06, 2016 - 12:15 AM

kim chiu at robi domingo
KUNG may mga nainis at naimbiyerna kay Kim Chiu sa diumano’y pagsusuplada nito sa reporter ng isang pahayagan sa Cebu, meron ding mga nagtanggol sa dalaga.

Dumalaw si Kim sa puntod ng kanyang yumaong ina sa Cebu City kasama ang kanyang pamilya nitong nakaraang Undas at dito nga nangyari ang engkwentro sa pagitan ng reporter at ni Kim. Hindi raw kasi naging maganda ang experience ng reporter kay Kim at ikinumpara pa sa ibang celebrities na nagpupunta sa Cebu.

Balitang humingi raw ng interview ang reporter kay Kim pero tinanggihan ng dalaga at sinabing magpapaalam muna sa kanyang handler. Nandu’n kasi si Kim para mag-alay ng dasal sa namayapang ina.

Ang paliwanag ni Kim, okey lang naman ang magpa-picture siya sa mga tao roon, pero ibang usapan na ang interview, na sinasang-ayunan ng kanyang mga followers sa social media maging ng iba pang celebrities.

Well, lagi naming nauunawaan si Kim kapag pamilya o privacy na niya ang sangkot lalo pa’t hindi naman siya obligado na magpakyut o maging anghel sa lahat ng pagkakataon. Sabi nga ng ilang artistang nakausap namin tungkol sa isyung kinasangkutan ni Kim, sana naman daw, kapag ganu’ng pagkakataon ay irespeto ang kanilang privacy, lalo na’t nasa sementeryo sila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending