Jovit, Kris, Ima, Bugoy maglalaban-laban sa ASOP Music Fest finals
SA Nob. 7, Lunes, mapapanood ang taunang ASOP (A Song of Praise) Music Festival Grand Finals na gaganapin sa Araneta Coliseum mula sa UNTV.
Ito na ang ikalimang taon ng ASOP Music Festival Awards at ngayong taon ay may 12 na bagong awiting maglalaban-laban para sa titulong Song of the Year na siyang mag-uuwi ng P500,000 cash at lahat naman ng hindi mananalo ay may consolation prize na P20,000 habang ang mapipiling People’s Choice award naman ay bibigyan ng P50,000.
Sa ginanap na presscon ng UNTV’s ASOP sa Hukad Restaurant kamakailan sa Trinoma Mall ay ipinakilala ang mga composer at interpreter na kalahok this year.
1. “God Will Always Make A Way” na sinulat at nilapatan ng musika ni Glenn Bawa at Ronald Calpis na kakantahin ni Bugoy Drilon.
2. “Tapat Mong Pangako” na likha ni Gulliver Enverga. Ang boyband na The Voysing naman ang na-assign para mag-interpret dito.
3. “Ikaw Lamang” ni Jonathan Sta. Rita, ang 2nd season contestant ng The Voice na si Tim Pavino ang aawit nito.
4. “Ikaw Pala” na sinulat ni Wilfredo Gaspar at ang powerful voice ni Ima Castro ang napiling mag-interpret nito.
5. “Tanging Ligaya” na gawa ni Angelica Soriano, ang YouTube sensation at X-Factor 2011 auditionee na si Zendee ang kakanta nito.
6. “Ang Iyong Pangalan” composed by Romarico Mendiola Jr.. Ang grand winner ng Pilipinas Got Talent Season 1 naman na si Jovit Baldivino ang kakanta nito.
7. “Patawarin Mo Ako” composed by Fernando Gardon to be interpreted by R&B Prince Kris Lawrence.
8. “Araw At Ulan” ni Joselito Caleon na ii-interpret naman ng bossa nova singer na si Sitti.
9. “Pag-ibig Ka, Oh Dios”, words and lyrics by LJ Manzano na aawitin ng all-male grup na JBK.
10. “Mula Sa Aking Puso” composed by Joseph Ponce to be interpreted by Carlo David.
11. “Kuma-pit Ka Lang” ni Noemi Ocio nat kakantahin naman ni Mela.
12. “You Stood By Me” likha ni Vincent Labating na kakantahin ng dating miyembro ng Rivermaya, si Jason Fernandez na nag-audition din sa The Voice season 2.
Ang nasabing kumpetisyon ay sponsored nina UNTV Chairman and Chief Executive Officer Daniel Razon at Bro. Eli Soriano ng Ang Ating Daan.
q q q
Sa nasabing presscon ay ipinaliwanag ng kilalang kompositor at jingle writer/arranger na si Mon del Rosario na lahat ng entries ay dumaan sa butas ng karayom bago nakarating sa finals. Hinimay-himay daw talaga nilang mga hurado ang pagtatama ng bawa’t salita sa kompisyon ng mga kahalok.
Kaya tinanong si Mr. del Rosario kung hindi ba nawawala ang originality ng komposisyon kung ini-edit nila ang lyrics ng bawa’t entry sa ASOP.
“As a resident judge of ASOP, in my case po, more on guiding the composers, I ask the composers kung ano ang gusto niyang sabihin sa kanta niya, tapos sasabihin ko na hindi ganyan ang naririnig (naiintidihan) ko, eh. So more on a technical aspects in guiding them kung paano improve ang story telling nila.
“Pero ako personally, I tried to avoid writing the actual lyrics sila (composers/lyricist) pa rin po ‘yun.
“Kasi sa technical term, magulo minsan ang timeline tulad ng may kuwento siya na kahapon, ngayon, bukas. E, medyo magulo po ‘yun, kaya ‘yun po ang inaayos na sinasabi namin sa composer. So the judges is pointing out kung ano ‘yung mga mali kaya may mga recommendation,” paliwanag mabuti ni Mr. del Rosario.
Nagkuwento nga ang lahat ng kompositor na kasali sa ASOP Music Festival na malaking tulong ang nagawa sa kanila ng nasabing patimpalak dahil nailabas nila ang talent nila sa paglikha ng mga awiting papuri sa Panginoong Diyos.
Samantala, sa mga boboto ng choice of song ay maaring mag-log sa https://www.asoptv.com/pollfor the People’s Choice Award and support Original Pilipino Praise Music by subscribing to our official YouTube channel – https://www.youtube.com/asoptv. At lahat ng awiting kasali sa festival ay pinatutugtog sa Wish FM 107.5.
Layuin ng ASOP Music Festival na ipalaganap ang mga salita ng Diyos kaya libre itong nada-download at hindi rin ipinagbibili ang CD’s na pinaglalagyan ng lahat ng kantang narinig sa nakaraang apat na taong ASOP Music Festival.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.