Tintin, Maricel, Paolo pinahirapan ng killer dengue; madlang pipol hinikayat magpa-bakuna | Bandera

Tintin, Maricel, Paolo pinahirapan ng killer dengue; madlang pipol hinikayat magpa-bakuna

Reggee Bonoan - October 28, 2016 - 01:00 AM

MARICEL LAZA, CHRISTINE BERSOZA-BABAO AT PAOLO ABRERA

MARICEL LAXA, CHRISTINE BERSOLA-BABAO AT PAOLO ABRERA

SA nakaraang campaign ng “Be A Wall Against Dengue” ng Sanofi Pharmaceutical Company na ginanap sa Novotel Hotel Araneta Center noong Martes ay ikinuwento nina Christine Bersola-Babao, Paolo Abrera at Maricel Laxa-Pangilinan ang naging experience nila sa nakamamatay na dengue.

Kuwento ni Tintin, “I had dengue three times, twice in high school and the third time, I was already on television (host) in my 20s. Sobrang protektado kami (ng nanay) sa paglalagay ng lotion, kaso hindi mo alam kung saan ka kakagatin ng lamok na ‘yan, baka sa school or baka sa farm.

“Akala ko hindi na ako magkakaroon ng dengue since nagkaroon na ako, so when I was a TV reporter and assigned in Manila, tandang-tanda ko pa late afternoon na ‘yun, nakasalampak ako sa floor while waiting for live on air.

“Naramdaman ko ‘yung kagat ng lamok, ang sakit, matindi, tapos pagtingin ko, nandoon pa ‘yung lamok, so hinintay ko na lang na magka-fever ako which I had, for several days, high-grade fever, tapos nu’ng nawala na, yun ang inabangan ko para malaman ko kung babagsak ang platelets ko at do’n ko naramdaman ang sakit ng buto ko, ang sakit ng tiyan ko, (classic signs ng dengue).

“Nu’ng nagtu-toothbrush ako, may bleeding, hinawakan ko ‘yung nose ko, meron na ring dugo, hayan na, punta na sa hospital and I stayed there for three weeks. Buti na lang it wasn’t that fatal kasi kung hindi kakailanganin ko ng blood transfusion. IV at rest lang kinailangan ko at tumaas na ulit ang platelets ko,” mahabang kuwento ni Tintin.

Ngayong may mga anak na sina Tintin at Julius Babao, sina Anya (11) at Neo (6), “Wanna take the chance nu’ng malaman naming may dengue vaccine ay pinapunta ko agad si Antonia sa pedia niya kasi ‘yung 6 years old ko, hindi pa puwede, 9 to 45 years lang kasi ang pwede. Kaya hihintayin ko na lang na mag-9 ‘yung bunso ko.”

“Si Julius naman hindi na puwede kasi 48 na siya, over age na, sayang nga, pero ako nagpa-dengue vaccine na ako kasi (Blood) 0 type positive ako and I am the perfect candidate for dengue vaccine. Kaya kayong lahat (entertainment press at iba pang nasa presscon), magpa-dengue vaccine na kayo,” ani Tintin.

Kuwento naman ni Paolo, “I had dengue 7 or 8 years ago and ito ‘yung height ng activeness ko, I was doing triathlon, marathons, so feeling ko, fit na fit ako, feeling ko invincible ako. I don’t know where I got it, pero I came down to classic symptoms, high fever went away, tapos ang sakit-sakit ng behind my eyes. It’s a terrible time and I was admitted to the hospital.

“Napaka-powerless ng feeling, napaka-helpless. At maski lumabas ka na ng hospital at nasa bahay ka na, nanghihina ka pa rin kaya try to regain your strength.

“Last year ‘yung bunso namin also got dengue, thankfully it’s a mild case but as a parent already that went thru the experience of having dengue parang ayaw mo talagang mangyari especially to people you love and close to, especially to a child,” dagdag ng mister ni Suzi Abrera.

Samantala, si Maricel naman ay dalawang beses nagka-dengue noong bata pa siya at dito rin niya ibinahagi ang malungkot na kuwento nang magka-dengue ang anak niya. Nasa ibang bansa siya nu’ng magkasakit ang panganay nila ni Anthony Pangilinan, kasama niya noon ang magulang at mga kapatid para sa kanilang yearly bonding.

“Nu’ng bumiyahe kami sa Africa, I kept myself protected from malaria and yellow fever kasi galing din iyon sa lamok, eh. And we were excited to go to Africa to see the Safari. Then, nakatanggap ako ng tawag na may dengue ang anak ko, so parang may heart is torn, to enjoy the Safari and to fly back to Manila, try to help and see my daughter be well.

“You know, the struggle is real and for me this is close to my heart na ayokong mangyari sa kahit na sinong pamilya, we have our own unique stories to tell, but they are definite solutions that we do not allow other people to go through the same trauma, the same mistakes having exposed ourselves to place na alam naman nating nandiyan lahat ng lamok.

“So, for me it’s very important ‘yung integrated prevention, vaccine is one amazing step and of course, kung may vaccine ka at ‘yung sa pamilya mo na walang vaccine at hindi na puwedeng magpa-vaccine ay hindi mo na kayang protektahan, I believe as communities come together to get educated and then hold hand and say we are going to up this wall against dengue, mababawasan po ‘yung mga cases.

“Or if not sana naman matigil kasi deadly at hindi nakakatuwa dahil sa maliit na lamok na ‘yan, masisira ‘yung trabaho mo, disposisyon mo, gagastos ka ng malaki dahil mao-ospital ka and for what, di ba? Buti kung mabuhay ka, e, kung mamatay ka and maraming cases po na ganu’n lalo na sa mga bata,” paliwanag ni Maricel.

Gumaling naman daw ang eldest daughter nila, “Sabi ni Anthony, we will be fine, don’t come home, enjoy Safari, para sulit naman ang pag-alis mo.'”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Umabot pala sa 20 years ang pag-aaral sa pagtuklas ng dengue vaccine kaya almost 100% effective raw ito at kung mayroon man itong mali ay maliit lang ang tsansa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending