Mama's boy na aktor wala pa ring asawa dahil sa epal na ina | Bandera

Mama’s boy na aktor wala pa ring asawa dahil sa epal na ina

Cristy Fermin |October 25,2016
facebook
share this

Mama’s boy na aktor wala pa ring asawa dahil sa epal na ina

Cristy Fermin - October 25, 2016 - 12:15 AM

BLIND ITEM MALE 0708
MAMA’S boy ang isang lalaking personalidad na marami nang nakarelasyon pero kahit isa ay walang pinakasalan.

Kung tatanungin ang aktor ay gusto na rin niyang magkaroon ng sariling pamilya, pero kontrang-kontra du’n ang kanyang ina, ito ang nagmamaneho sa buhay ng aktor.

Nu’ng minsang magkatagpu-tagpo ang kanyang mga ex ay puro malalakas na halakhakan ang narinig sa paligid. Ang mama’s boy na aktor kasi ang kanilang paksa.

Kuwento ng isang source, “Paano naman silang hindi maghahalakhakan, e, may kani-kanya silang kuwento tungkol sa mga naging karanasan nila habang karelasyon si ____ (pangalan ng magaling umarteng aktor).

“Talaga palang mama’s boy siya dahil kahit meron na silang pinag-usapang date ng girlfriend niya, e, hindi natutuloy ‘yun kapag pinigilan siya ng mommy niya.

“Tablado ang girl, siyempre, kailangan nilang i-schedule na lang uli ang date nila dahil ayaw ng mommy ng guy, nakakaloka! Ang mommy niya palagi ang nasusunod, wala siyang boses para kumontra,” kuwento ng impormante.

Matagal din kuno bago ipakilala ng aktor ang babae sa kanyang mommy dahil kailangan pa niyang tiyempuhan ang mood nito. Kapag okey na okey ang mood ng kanyang ina ay saka lang niya puwedeng ipakilala ang girlfriend niya.

“Nakakaawa naman ang lalaking ‘yun, sa age niya, e, wala pa rin siyang freedom, palaging kailangang may basbas muna ang mommy niya sa lahat ng desisyong gusto niyang gawin.

“Kaya ayun, walang tumatagal na karelasyon si aktor, palaging panandalian lang, dahil nararamdaman nga ng babae na parang hindi naman sila kayang ipaglaban ng lalaki,” kuwento pa rin ng aming source.

“Naku naman, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, gamit na gamit ang name ng aktor na ito kapag haggard na haggard ang isang tao. Promise!” pagtatapos ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending