Jessy bugbog-sarado na naman sa mga basher, nilait ang mali-maling English | Bandera

Jessy bugbog-sarado na naman sa mga basher, nilait ang mali-maling English

Cristy Fermin |October 25,2016
facebook
share this

Jessy bugbog-sarado na naman sa mga basher, nilait ang mali-maling English

Cristy Fermin - October 25, 2016 - 12:10 AM

jessy mendiola

PANSAMANTALA lang palang pinagpahinga ng kanyang mga bashers si Jessy Mendiola dahil sa pagsulpot ng mas malalaking isyu tungkol sa mga artista.

Pahinga lang pala ‘yun, dahil sa nakaraang Star Magic Ball ay siya na naman ang pinagtripang i-bash at pintas-pintasan, pati ang pagsasalita niya ng Ingles ay hindi pinalampas ng mga kontra sa sexy actress.

Mabuti na lang at palaging nandiyan si Luis Manzano na sumasalo sa kanya, mabilis umaksiyon ang aktor-TV host, to the rescue ito palagi kay Jessy.

Nagmukha raw nanay si Jessy sa kanyang suot na simpleng gown, wala talagang nakikitang maganda sa dalaga ang marami nating kababayan, mahilig din kasing sumagut-sagot si Jessy sa social media.

Pero sapat na ang sinabi ni Luis na maraming naggagandahang babae nu’ng gabing ‘yun, pero ang kanyang kasama ang pinakamaganda, na sobra namang ikinaligaya ni Jessy na nang sumagot ay mali-mali ang grammar.

Kung ganu’n ang palaging ibinubutas sa kanya ay mas maganda sigurong umiwas na lang sa pagsasalita ng Ingles si Jessy, Pilipino naman siya at hindi Kano na puwedeng magkamali, pero para tapos na ang kuwento ay kailangang siya na lang mismo ang umiwas para hindi siya napagtatawanan at nilalait-lait ng iba.

Huwag na niyang bigyan ng bala ang mga hindi nagkakagusto sa kanya para ipanakit sa kanya, siya na ang kailangang mag-ingat, para hindi siya nasasaktan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending