Jake ayaw nang makipagbalikan kay Andi: Hindi ko na siya mahal! | Bandera

Jake ayaw nang makipagbalikan kay Andi: Hindi ko na siya mahal!

Reggee Bonoan - October 25, 2016 - 12:25 AM

jake ejercito and ellie

MAGKAKASAMANG kumain sina Jake Ejercito kasama ang inang si Ms. Laarni Enriquez, kapatid na Jerika Ejercito, Ms. Liz Alindogan at katotong Jobert Sucaldito sa restaurant ng Novotel Hotel noong Linggo ng gabi pagkatapos ng Star Awards for TV.

Si Jake ang nanalong Best New Male TV Personality para sa “God Gave Me You”, ang Lenten presentation ng Eat Bulaga kung saan nakasama niya sina Maine Mendoza at Alden Richards.

Agad naming tinext ang katotong Jobert kung puwedeng makausap ang tunay na ama ni Ellie na anak ni Andi Eigenmann. Gusto kasi naming makausap ang binata tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan nila ni Andi.

At gusto rin naming kunan siya ng reaksiyon dahil maraming na-touch sa acceptance speech niya, partikular na sa sinabi niyang, “To my number one inspiration, my princess, my Ellie, this is for you.”

Diretsong tanong namin kay Jake kung bakit umabot pa nang dalawang taon bago niya aminin na siya ang tunay na ama ni Ellie, “Nalaman ko (nag-iisip), more than a year ago. Actually, almost two years ago, yeah, almost two years ago,” sagot ng binata.

Inamin namin sa kanya na sinulat namin dito sa BANDERA na siya ang tunay na ama ng anak ni Andi noong December, 2014 habang nasa New York, USA kami at nalaman namin iyon sa mga kaibigan din ni Jake na nakilala namin roon.

“Ha-hahaha! Umabot sa ibang bansa? Yes almost two years ago, and Ellie was already 3 (years old) when I found out,” anang binata.

Paliwanag ni Jake kung bakit hindi siya agad nagsalita nang malaman niyang siya ang ama ng bata, “Well, sa akin kasi, I’m very grateful that I never denied it, kapag tinatanong ako, my answers were not straightforward, but I never denied it. Kaya ganu’n ang mga sagot ko na hindi ko sinasagot ng straightforward kasi ang importante sa akin is to protect Ellie.

“If you ask me bakit ang tagal from the time na nalaman ko until the time na na-reveal, it wasn’t for me to announce or to reveal, kasi alam kong maraming maaapektuhan and most of all, ang iniisip ko lang, si Ellie,” paliwanag ng anak ni Mayor Joseph Estrada.

Noong nanganak daw si Andi ay nasa London si Jake kaya hindi niya nakita kaagad ang bata, “I was still based in London when she (delivered Ellie), that was November, 2011, siguro na-meet ko siya nu’ng nag-Christmas break.

“To be honest, hindi ko naramdaman ‘yung sinasabing lukso ng dugo, actually in-anticipate ko na, meron kaya o wala and that’s why kasi ang paniwala ko rin talaga (si Albie Casino) sa iba.

“Even so, I was still there since then, and I am very grateful kasi, no regrets, ako lang kilala ni Ellie na daddy niya, ever since,” sabi ni Jake.

Sa kasalukuyan ay hindi raw nag-uusap sina Jake at Andi, “Unfortunately, no!” sabi niya sa amin. Simula raw noong nagkasagutan sila sa Twitter ay totally wala na silang komunikasyon.

Alang-alang sa anak nina Andi at Jake ay may chance pa bang magkabalikan sila, “As much as I want to answer na tulad ng sinasabi na I keep my doors open naman, pero feeling ko talaga, wala na!” tumatawang sagot ng daddy ni Ellie.

Mahal pa ba niya si Andi, “Hindi na po,” diretsong sagot nito.

Inamin naman ni Jake na nahihiram niya ang anak at natutulog pa sa bahay nila ang bata at nakaka-bonding nito ang mga pinsang anak nina Jerika at Meryll Soriano (kay Bernard Palanca).

“She (Ellie) was with me earlier today, tuwa nga si mommy kasi kamukha niya, pagmasdan mo, pareho sila ng chin, magkahawig talaga,” masayang sabi ni Jake.

Sabay ipinakita naman ni Jerika ang picture ni Ellie kasama ang mga anak nila ni Meryll na magkakasama. Totoo nga, hawig nga ni Ms. Laarni si Ellie.

Wala rin daw karelasyon ngayon si Jake, “I’m single now, I just want to focus on my studies and to Ellie.”

Sagot din ni Jake ang pag-aaral ni Ellie, “Well, ever since naman, when it comes to her schooling, ako naman ‘yun and it started a year ago, nu’ng nag-start siyang mag-aral. Doon pa lang. The rest hindi pa namin napapag-usapan (ni Andi),” kuwento ni Jake.

Graduating na rin ang binata, “August next year (2017) po, Masters in Marketing.”

Hudyat na ba ng tuluyan niyang pagpasok sa showbiz ang pagtanggap niya ng Best New Male TV Personality award? Ano ba talaga ang feel niya, showbiz o politics?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kasi right now, itong pagpasok ko sa showbiz, I never saw it coming, I don’t wanna say I was forced into it, but I can say na very hesistant when I did the teleserye of AlDub, kasi mahiyain ako, eh. At hindi ko in-expect na ganu’n ka-warm ‘yung pagtanggap sa akin ng AlDub nation. So as of now siguro, mga guesting-guesting lang.

“Meron din sa politics na nagsasabing I should run in Manila, as of now kasi rin, I still have small business ventures, I have a small café and small gym in San Juan,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending