Duterte fans na tumawag kay Agot ng 'boba' supalpal; na-shock sa lumabas na ebidensya | Bandera

Duterte fans na tumawag kay Agot ng ‘boba’ supalpal; na-shock sa lumabas na ebidensya

Cristy Fermin |October 14,2016
facebook
share this

Duterte fans na tumawag kay Agot ng ‘boba’ supalpal; na-shock sa lumabas na ebidensya

Cristy Fermin - October 14, 2016 - 12:20 AM

ARJO ATAYDE, BELA PADILLA AT AGOT ISIDRO

ARJO ATAYDE, BELA PADILLA AT AGOT ISIDRO

SHOCKING Asia ang maraming galit na galit kay Agot Isidro nang ilabas ng kanyang mga kaibigan-kaklase sa kolehiyo ang kartada ng kanyang educational attainment.

May namba-bash kasi kay Agot tungkol sa kanyang edukasyon, wala raw siyang karapatang tawaging psychopath si Pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi niya alam ang pakahulugan ng salitang immunity, bumalik daw muna sa grade one ang singer-actress.

Natural, kahit hindi naman humihingi ng saklolo si Agot, nagkusa na ang kanyang mga kaklase para ipagmalaki ang inabot niyang antas ng edukasyon.

Nagtapos siya sa UP, nag-master’s siya sa Ateneo University, nag-aral din siya sa isang sikat na unibersidad sa New York kung saan siya nagtapos bilang Magna Cum Laude.

Naloka ang mga nangmamaliit sa kanya, ni minsan kasi ay hindi ipinagmalaki ni Agot ang matinding antas ng edukasyon na meron siya, natameme ang mga basher na buong-ningning pang nagsabing hindi niya alam ang ibig sabihin ng immunity.

Kaya minsan ay kailangang naghihinay-hinay ang mga taong mabilis humusga, pag-aralan muna dapat nila ang kanilang subject, dahil baka nganga ang abutin nila sa bandang huli.

At sana’y bigyan na rin ng katahimikan ang singer-actress, tantanan na siya sa mga negatibong bira na sobrang personal na, tuldukan na ang giyera ng mga salitaan.

Hakbang na tayong lahat nang pasulong, dahil isa lang naman ang hangad nating lahat, isang payapa at tahimik na pamayanan.

‘Yun lang ‘yun, wala nang iba, kaya tigil-putukan na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending