Sylvia sa Alzheimer’s: Naku, wag naman sana, hindi ko kakayanin! | Bandera

Sylvia sa Alzheimer’s: Naku, wag naman sana, hindi ko kakayanin!

Reggee Bonoan - October 12, 2016 - 01:54 PM

SYLVIA SANCHEZ

SYLVIA SANCHEZ

NAG-POST si Sylvia Sanchez ng mensahe sa kanyang Facebook account kamakailan tungkol sa nominasyon niya sa Star Awards for TV.

“Ang ma-nominate ako ay isa ng malaking karangalan Best Supporting Actress (Ningning), pero ang ma-nominate ako na kasabay pa ang mga anak ko na sina Arjo as Best Supporting Actor (FPJ’s Ang Probinsyano) at Ria Atayde as New Female Actress (Maalaala Mo Kaya) ay katumbas ng isang tropeong pagkapanalo na. Maraming, maraming salamat PMPC sa tiwala! Mabuhay kayo!”

Nagulat na si Sylvia na napapasama siya sa mga nominado sa pagka-Best Supporting Actress pero mas na-excite siya nang malamang kasama rin sina Ria at Arjo sa mga nominated sa 30th PMPC Star Awards for TV na gaganapin sa Novotel, Araneta Center, Cubao sa Okt. 23.

Sa tanong kung pinlano ba ni Ibyang na mag-artista rin ang mga anak, “Ay hindi! Kung pinangarap ko silang maging artista, e, di sana mga bata palang hinulma ko na silang artista, hindi ko sila pinakain nang husto, ginutom ko sila para hindi sila naglakihan ng husto.

“Ilang taon ding nagdyi-gym sina Ria at Arjo, hanggang ngayon tuluy-tuloy pa rin ang workout nila para pumayat. Kaya hindi ko sila inambisyong mag-artista noon.

“Kasi nga, ayokong maranasan nila ang mga hirap na naranasan ko bago ako napasok ng showbiz, ang dami kong pinagdaanan. Kaya ayokong mangyari sa kanila ‘yun. E, ngayong malalaki na at si Ria graduate na, si Arjo humintong mag-aral kasi mas gustong mag-artista, hindi ko na sila maawat, kaya suportahan ko na lang.

“Mahirap kasi kung pipigilan ko sila, baka iba pa ang gawin, kaya sige na, sama-sama na kami rito sa showbiz mag-iina. Basta ang bilin ko lang talaga, huwag na huwag silang gagawa ng mga bagay na ikasisira nila at dapat marespeto sila sa lahat ng tao, hindi lang sa mga kasamahan nila sa work, sa lahat in general.

“So far, wala naman akong naririnig na hindi maganda tungkol sa mga anak ko, kaya nakaka-proud din bilang nanay nila,” mahabang pahayag ni Ibyang.

Laging sinasabi ng aktres na gusto niyang makasama sa isang project ang dalawang anak.

“Gusto ko sana kaming tatlo, ang gusto ko family pa rin kami. Lalabas na katulong nila ako na hindi nila alam na nanay nila ako kaya nilalait nila ako. Ha-hahaha! Mumurahin nila ako, aapihin nila ako.

Ha-hahaha!” tumatawang sabi ni Ibyang.

Positibo raw ang feedback sa kanya bilang si Mama Gloria ng The Greatest Love na doble-dobleng respeto raw ang nararanasan niya ngayon kapag nasa labas siya dahil sa role niyang may Alzheimer’s disease.

“Dati kasi nu’ng sa Be Careful With My Heart, tawag sa akin ng lahat, Aling Teresita, tapos magtatanong tungkol sa show. Nu’ng nasa Ningning, Mamay Pacing naman. Tapos dito sa The Greatest Love, Nanay Gloria na ang tawag sa akin.

“Nagpapasalamat sila kasi at least nalalaman daw nila ‘yung signs o sintomas ng pagkakaroon ng Alzheimer’s. Nagpapasalamat din sa ABS-CBN ang mga nakakausap kong mga senior citizen dahil nakakapanood sila ng ganitong kuwento.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paano kung mangyari sa tunay na buhay ang kuwento ng kanilang serye? “Naku, ‘wag naman sana, hindi ko kakayanin na makalimutan ko ang pamilya ko, ang mga mahal ko sa buhay. Napakasakit no’n at para sa pamilya ko rin, masakit sa kanila, sinong mag-aalaga sa akin, alam ko nandiyan din sila (family) para sa akin, pero mahirap, hindi ko kaya. Knock on wood. Magkasakit na lang ako ng iba, ‘wag lang Alzheimer’s,” mabilis na sabi ni Nanay Gloria.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending