Michael trip rumampa nang nakahubad sa Cosmo Bash
NAHASA na nang husto ang boses ni Michael Pangilinan dahil mula noong magsimula siya sa music industry hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nababakante sa mga show at concert.
Pero hindi naman niya itinatanggi na nati-threaten pa rin siya sa mga kasabayan niya sa industriya sa kapareho niyang genre na R&B.
“Oo naman lalo na kina Daryl Ong, Jay-R, Kris Lawrence, lahat ng R&B singers. Everytime na naririnig ko sila, iniisip ko na dapat mas okay ako sa kanila.
“Walang masama sa pagiging competitive, mas okay ‘yun dahil malalaman mo kung kaya mo pang i-enhance ‘yung kakayahan mo sa pagkanta at para mangyari ‘yun, hardwork din. Lagi akong nakikinig ng mga runs, mga kulot para masanay ako.
“Pero hindi sila threat sa singing career ko kasi kung wala akong trabaho, e, di wala, kung meron, e, di meron,” paliwanag ni Michael.
Isa pa palang pangarap ni Michael ay ang makasali sa Cosmo Bachelor Bash sa 2017 kaya panay-panay na ang pagwo-workout niya para mas lalo ang gumanda ang kanyang katawan.
“Actually po, nagbago talaga ako, simula nag-gym ako, doon nawala ang sigarilyo, alak, puyat, labas-labas, kumain ng hindi magagandang pagkain like fatty food, bad carbs, more on healthy food po ako. Mas may disiplina po ako ngayon dahil sa gym.
“Plano ko kasing mag Cosmo next year, totoo po ‘yan. Puwede akong mag-endorse na naka-topless ako. May abs na ako, tama na ang six abs lang,” kuwento pa ng binata.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.