Jaya ayaw nang patulan ang mga bagong pasabog ng kapatid; naka-jackpot sa dos | Bandera

Jaya ayaw nang patulan ang mga bagong pasabog ng kapatid; naka-jackpot sa dos

Reggee Bonoan |October 08,2016
facebook
share this

Jaya ayaw nang patulan ang mga bagong pasabog ng kapatid; naka-jackpot sa dos

Reggee Bonoan - October 08, 2016 - 12:25 AM

 

ELIZABETH AT JAYA RAMSEY

ELIZABETH AT JAYA RAMSEY

WALANG maibibigay na official statement ang Cornerstone Talent Management tungkol sa kinasasangkutang kontrobersya ngayon ni Jaya at ng kapatid nitong si Susan Ramsey.

Mas pinili raw kasi ng singer na manahimik na lang sa isyu na nag-ugat sa pagpapalibing sa ina niyang si Ms. Elizabeth Ramsey. Nakapagbigay na raw dati ang Soul Diva ng statement tungkol sa isyu at sapat na raw yun. May mga bago na naman kasing paratang si Susan kay Jaya tungkol sa kanilang ina noong nabubuhay pa ito.

Kung matatandaan ang gusto ng singer ay ipa-cremate na lang ang labi ng ina dahil wala naman itong sariling lupa. Pero hindi raw pumayag ang mga kapatid niya sa ibang bansa kaya inilibing sa lupa ng isang kaibigan at ngayon nga ay pinahukay uli ang bangkay dahil kinukuha na uli ang lupa.

Anyway, ayaw na magpaka-stress ni Jaya kaya ang mas pinagtutuunan daw ngayon ng singer ay ang pagiging isa sa hurado sa Tawag Ng Tanghalan ng It’s Showtime at pinaghahandaan na rin ang bago niyang album.

Simula raw nu’ng lumipat si Jaya sa ABS-CBN ay hindi siya nawawalan ng shows kaya sobrang nagpapasalamat siya sa Kapamilya network dahil sa exposure na ibinibigay sa kanya at siyempre sa bago niyang manager na si Erickson Raymundo.

Speaking of Erickson, abut-abot din ang pasasalamat niya sa lahat nang nanood ng musical play na “Ako Si Josephine” dahil successful lahat ng shows nila sa PETA Theater na karamihan sa show buyers ay pawang mga taga-showbiz din na inimbita ang kani-kanilang non-showbiz friends.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending