Ejay huli: May ka-date na chinita sa sinehan | Bandera

Ejay huli: May ka-date na chinita sa sinehan

Reggee Bonoan - October 07, 2016 - 12:20 AM

EJAY FALCON

EJAY FALCON

EXPECTED na tiyak ni Ejay Falcon na masusulat siya kaya sigurado kami na simula ngayong araw, Biyernes ay naka-monitor na siya sa mga tabloid.

Nakita kasi namin ang hunk actor noong Miyerkules ng gabi sa Robinson’s Magnolia bandang 9:20, may kasama siyang maputing girl na medyo tsinita at naka-maong dress at white rubber shoes.

Samantalang si Ejay ay naka-short, white shirt with print, naka-baseball cap at naka-black Adidas Superstar Pride Pack style.

Hindi sana namin mapapansin si Ejay dahil sa tangkad niya at halos natatakpan ang mukha sa suot niyang baseball cap, kaso nagulat at napatigil siya ng ilang segundo nang makita niya kami ng katotong Rohn Romulo.

Sinundan namin ng tingin ang girl na naunang lumakad papunta sa mga kaibigang naghihintay sa may tabi ng Taters (snack bar) at doon din umupo si Ejay.

Halatang ingat na ingat ang aktor at hangga’t maaari ay ayaw niyang dumikit sa kanya ang kasamang babae.

Nauna na kaming pumasok sa Cinema 3 kung saan palabas ang “The Girl On The Train” ni Emily Blunt kaya hindi namin alam kung ito rin ang pinanood ng grupo nina Ejay.

Pagkatapos ng pelikula ay nakasalubong namin si Ejay sa comfort room kung saan palabas nq siya at papasok naman kami.

At dahil siguro akala ni Ejay na nasa loob kami ng CR ay libre na siyang kumilos, pero nakita ng iba pang kasama namin na nakasandal sa dibdib niya ang girl at nang makita niyang lumabas na kami ay bigla silang naghiwalay na halatang umiiwas saka titingin sa kinatatayuan namin.

Halatang girlfriend ni Ejay Falcon ang kasamang girl, pero bakit parang itinatago niya ito?

Wala naman siyang ka-loveteam sa showbiz kaya wala naman siguro g maaapektuhan kung may karelasyon siya o wala.

O, baka naman bawal siyang umaming may girlfriend na siya? Pero sino naman ang magbabawal?

Susme, hindi naman young star si Ejay para itago pa ang pakikipagrelasyon niya, ‘no?

Unless, may iba pa siyang girlfriend o nililigawan?

At kung totoong girlfriend na niya ang nasabing chinita girl, ibig sabihin wala nang pag-asa na maging sila ni Ellen Adarna na niligawan din niya noon?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Any comment Ejay Falcon?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending