Lasenggong aktor pahinga muna sa laklak, kinakarir uli ang pagpipinta | Bandera

Lasenggong aktor pahinga muna sa laklak, kinakarir uli ang pagpipinta

Cristy Fermin |October 04,2016
facebook
share this

Lasenggong aktor pahinga muna sa laklak, kinakarir uli ang pagpipinta

Cristy Fermin - October 04, 2016 - 12:15 AM

BLIND ITEM MALE 0624

MEDYO nananahimik ngayon ang isang male personality na naging sunud-sunod ang pagpaparamdam nitong mga huling buwan.

Kung anu-anong kalokohan ang pinaggagagawa niya, KSP ang lalaking personalidad, kaya umani siya ng mga negatibong komento sa social media.

Isang malapit sa aktor ang nagsabi na iba naman daw ang pinagkakaabalahan niya ngayon. Mukhang mas gusto niyang mapag-isa, ayaw muna niyang mag-bar hopping dahil pagod na pagod na raw siya, pahinga raw muna siya sa paglabas-labas ngayon.

Matagal na siyang hindi nakikitang numonomo ngayon, pahinga muna ang kanyang lalamunan sa paglaklak, mas gusto raw niyang gamitin ang kanyang panahon ngayon sa mga mas makabuluhang bagay-bagay.

Kuwento ng aming source, “Dati na naman siyang nagpipinta, natigil lang ‘yun nu’ng magkasunud-sunod na ang mga pelikula niya. Pero in fairness, magaling ang mga kamay ni ____ (pangalan ng male personality).

“Mahusay siyang pintor, marami na siyang nagawang art pieces na ipinangreregalo niya sa mga kaibigan niya. Hindi siya nagbebenta, pangregalo lang niya ‘yun sa mga taong close sa kanya.

“‘Yun ang pinagkakaabalahan niya ngayon, tutok na naman siya sa pagpe-paint, marami na naman siyang ginagawa ngayon. Sabi nga ng mga friends niya, para raw siya ma-busy, e, dagdagan na niya ang mga art pieces niya para makapag-exhibit na siya soon,” kuwento ng aming impormante.

Salamat naman kung ganu’n na nga ang pinagtutuunan ng panahon ngayon ng aktor dahil sayang na sayang ang talento niya. Kesa naman sa inom lang siya nang inom na away lang ang kinauuwian ay mas maganda na ang ganito na makabuluhan ang mga ginagawa niya.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, bigay na bigay na kung sino ang male personality na ito, kaya mag-apiran na kayo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending