Paolo problemado sa pagdalo sa Tokyo filmfest; takot magpaalam sa Eat Bulaga | Bandera

Paolo problemado sa pagdalo sa Tokyo filmfest; takot magpaalam sa Eat Bulaga

Reggee Bonoan - September 30, 2016 - 12:10 AM

PAOLO BALLESTEROS

PAOLO BALLESTEROS

TRULILI kaya na pinoproblema ngayon ni Paolo Ballesteros kung makakadalo siya sa gaganaping Tokyo International Film Festival na magsisimula sa Okt. 25 hanggang Nob. 3, 2016 kung saan kalahok ang pelikula niyang “Die Beautiful” na idinirek ni Jun Lana produced by Asian Future Film.

Baka raw kasi hindi payagan si Paolo ng Eat Bulaga management na mawala siya ng ilang araw dahil nga kababalik lang niya sa programa.

Oo nga naman, baka magkaproblema na naman si Pao kapag nawala siya ng ilang araw sa EB.

Plano kasing umalis ng team “Die Beautiful” sa Oct. 24 at hindi nga sigurado kung makakasama ang bida ng pelikula.

First time ma-experience ni Paolo na mapasama ang pelikulang kasama siya sa isang isang international film festival at gusto rin niyang maglakad sa red carpet.

Plano raw ng team “Die Beautiful” na manatili sila ng apat na araw sa Japan hanggang sa awards night.

Duda rin namin na baka kaya ayaw payagan ng Eat Bulaga si Paolo na magbakasyon uli ay dahil tuhog din ang trabaho niya ngayon, pagkatapos kasi ng Eat Bulaga ay diretso naman siya sa shooting ng pelikula ni Vic Sotto na “Enteng Kabisote 10” na posibleng maging entry sa 2016 MMFF.

Anyway, in case na manalo si Paolo sa Tokyo International Film Festival ay puwede namang si IC Mendoza ang tumanggap ng tropeo niya. Dadalo raw si IC sa nasabing event kasama ang iba pang artista at staff ng pelikula.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending